Iniwan ng misis...
Dear Vanezza,
Tawagin niyo po akong Leo, 33 years old. Nag-asawa ako sa edad na 18 at ang napangasawa ko ay 19 years old naman. Tutol po ang nanay ng aking asawa sa aming relasÂyon kaya gumagawa siya ng paraan para magkahiwalay kami. Akala ko hindi matitinag ang aming relasyon pero nagkamali ako dahil iniwan ako ng aking asawa at sinabing hindi naman niya ako talagang mahal. Masakit pero kahit na kasal kami, pinalaya ko siya. Ngayon ay nabaÂlitaan kong may 5 anak na siya sa kanyang kinakasama habang ako’y nag-iisa pa rin.
Dear Leo,
Marami talagang kaso ng early marriage ang nawawasak sa dakong huli. Kaya hindi advisable para kanino man na mag-asawa ng napakaaga. Ang ganyang edad ay dapat nag-aaral pa. Ang mga kabataang maagang nag-asawa dahil bagito at hindi handa sa pagbuo kapag hindi na kaya ay dito na nagsisimula ang pagtatalo at pagsisisihan na nauuwi sa hiwalayan. Kaya hindi dapat nagpapadalus-dalos. Pero nangyari na iyan at dapat kang mag-move on. Huwag mong iikot lang sa kanya ang mundo mo dahil ang daigdig niya ay hindi na ikaw. matuto kang tanggapin ang lahat. At sana’y makatagpo ka na ng babaeng mamahalin at magmamahal din sa iyo ng tapat.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest