Aswang family (41)
SA PINK ambulance na kumukutitap sumakay sina Adwani at Greco mula sa ospital.
“Sa malapit lang, ha, Adwani…at sandali lang talaga tayo,†ulit ni Greco sa diwatang sabik sa pag-ibig. “Kailangang makabalik agad ako kay Shalina…hindi pa siya ligtas…â€
“Napipikon ako sa iyo, Greco. Kapag ako ang katabi mo, huwag mong mementionin ang babaing ‘yon!†Tumaas ang tinig ng bad fairy, labis na nagselos.
Nagpakumbaba agad si Greco, alam na masamang magalit ang diwata. “Sorry na. S-saan tayo?â€
“Sa magandang motel, lover boy.â€
“B-baka bawal doon itong ambulansiya?†Alanganin si Greco.
“No problem, magkokotse tayo, Greco.â€
Sa isang kumpas ni Adwani, ang sinasakÂyan nilang ambulansiya ay naging kotseng pangmayaman.
“Grabe! T-tunay na magic!†Hindi napigil ni Greco ang paghanga sa power ng diwatang seksi.
“Gusto mo bigla akong nakahubad? Totally naked, now na?â€
Napalunok si Greco. “H-huwag muna. Sa loob na lang ng m-motel, Adwani.â€
May mga nagbubusinahang motorista sa likuran—mga nakasaksi sa magic ng ambulansiyang naging kotse. Honk-honk-honkk.
“Naiskandalo sila ng magic mo, Adwani…†Nag-alala si Greco.
“Naiskandalo, sa halip humanga?†Hindi maintindihan ng bad fairy ang mga motorista.
“Adwani, naniniwala silang hindi ordinarÂyong tao ang nakagawa ng ganoong magic! Actually ay naliligalig sila!â€
“Bakit maliligalig? Teka, lalo ko silang liligaÂligin,†walang ngiting sabi ni Adwani.
Kumumpas na naman ito, itinuro ang daliri sa mga kasunod ng kotse. May pumulandit na kakaibang liwanag. Tsikiisst.
Sa isang iglap, naging ilog ang highway, nagÂlubugan ang mga kasunod—nag-panic ang mga lulan. “Aaaahh! Eeeee!†(ITUTULOY)
- Latest