^

Para Malibang

Kapag ikaw ay nagdadasal...(1)

Pang-masa

Napakaraming pamamaraan kung paano maaalis ang iyong stress. Nariyan ang pag-eehersisyo, pagda-diet, pagsa-shopping at kung anu-ano pa, para lang magkaroon ng maayos na kalusugan dahil nailalabas mo ang iyong stress sa katawan. Pero, kung ikaw ay isang madasaling tao at nanalangin araw-araw, pagkagising mo sa umaga, hindi nasasayang ang ginagawa mong ito dahil may benepisyo ang pagdadasal sa iyong pisikal at ispirituwal na katawan. Sa pag-aaral na isinagawa ni Lisa Miller, propesor at director ng Clinical Psychology at director din ng Spirituality Mind Body Institute  sa Teachers College, Columbia University, lumalabas na karamihan sa mga nagkakaroon ng depresyon ay may kaugnayan sa kanilang family history. Nang tingnan din ang MRI ng ilang pasyente nila, lumabas na ang mga taong regular na nagdadasal ay mayroong makapal na cortices kumapara sa mga taong hindi nagpapahalaga sa pananala­ngin. Kapag mayroong makapal na cortices, mas maliit ang tsansa nito na magkaroon ng depresyon kumpara sa mga may mga maninipis na cortices. Dahil dito, napatunayan na may benepisyo sa pisikal na katawan kung ikaw ay palaging nagdadasal. Narito pa ang ilang benepisyo na naidudulot ng panalangin:

Stress Free – Gaya ng unang nabanggit, nakakaalis ito ng stress dahil naiimpluwensiyahan ng pananalangin ang iyong isip, kaya naman nare-relax ito. Dahil dito, susunod na rin ma-relax ang iba pang bahagi ng iyong katawan, lalo na ang iyong puso. (Itutuloy)

CLINICAL PSYCHOLOGY

COLUMBIA UNIVERSITY

DAHIL

GAYA

ITUTULOY

LISA MILLER

SPIRITUALITY MIND BODY INSTITUTE

STRESS FREE

TEACHERS COLLEGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with