^

Para Malibang

Problema ng OFW

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po ay isang OFW. Halos mag-3 years na po kaming kasal ng misis ko at wala pa kaming anak. Noong una, wala kaming nagiging problema dahil nagkakasya ang ipinadadala ko sa kanya. Nakapag-a-advance pa nga kami ng payment sa binabayarang lupa. Pero nitong nakaraang taon, hindi siya nakaipon. Sa amin po nakatira ang kapatid niya, pamangkin at mama niya bukod pa sa isang kasambahay. Napapadalas na po ang pagtatalo namin tungkol sa pera dahil hindi ko na makaya ang responsibilidad. Ako ang nagbabayad ng lahat pero powerless ako sa aming inuupahan dahil ayaw kong magkasagutan kami ng mama at ate niya. Minsan sinabihan ko ang aking asawa na magtipid pero siya po ay nagagalit dahil hindi ko raw nakikita ang effort niya gayong sa totoo ay wala naman po talaga kaming naiipon. Masakit isipin na napakahirap mag-work abroad pero parang walang nangyayari sa buhay namin. - Ariston

Dear Ariston,

Ituring mo pa ring mapalad ka kumpara sa ibang OFW na ang perang ipinapadala sa mga misis ay ginagastos sa mga luho, bisyo at kung minsan ay sa ibang lalaki. Maski papaano, may bagay na hahangaan sa iyong misis. Matulungin siya sa sariling pamilya. But of course, may epekto yan sa inyong future. May kabigatan ang problemang yan dahil lumobo ang pamilya mo dahil sa mga kaanak ng misis mo na sumandal sa inyo. Mahirap ipagtabuyan iyan nang hindi kayo mag-aaway na mag-asawa. Bakit hindi na lang ikaw ang mag-ipon o magtabi ng impok nyo. Kung wala ka pang SSS, PhilHealth o Pag-Ibig ay magpa-member ka nang sa gayon ay may kapuntahan din ang pinaghihirapan mo para sa darating na panahon ay mayroon kang matatanggap o magagamit sa iyong pagtanda.

Sumasaiyo,

Vanezza

ARISTON

BAKIT

DAHIL

DEAR ARISTON

DEAR VANEZZA

ITURING

MAHIRAP

MASAKIT

MASKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with