^

Para Malibang

Aswang family (37)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

DINALA nga ni Grecong tikbalang sa bahay na bato ang kabiyak, si Shalinang manananggal. Mada­ling-araw, matagal pa ang liwanag ng umaga. Nanatiling anyong tikbalang at mana­nanggal ang mag-asawa

Kaw-kaw-kaww.Tahol nang tahol si Foxy sa nakakikilabot na anyo ng dalawa; hindi nakilala sina Greco at Shalina.

Ang binatilyong katulong, si Telco, ay nginig  sa takot, ilang na ilang sa mana­nanggal na sugatan at sa tikbalang na tarantang nanggagamot.

“Mag-init ka pa ng tubig, Telco, dali!”  utos ng tikbalang, parang galing sa banga ang tinig.

“O-Opo, n-ngayun din po…”

Kaw-kaw-kaww. Ayaw paawat ng aso. Urung-sulong sa pagsugod sa mga kaibang nilalang.

“Patigilin mo ‘yan, Telco! Papatayin ko na ‘yan sa tadyak!”

“H-huwag naman po, Manong Greco…”

Kaw-kaw-kaww.

“Foxy, stop! Stop!” saway ni Telco sa shih tzu, niyakap na ito.

“Tubig pang mainit! Dalian mo, Telco!”

“Opo, opo, manong…hu-hu-huu!”  Napaiyak na sa magkahalong pressure at takot ang binatilyo.

Si Shalina ay umuungol, dumadaing. Nahihibang sa taas ng lagnat. “Huunng…huunngg…”

MAG-UUMAGA na, nakikipaghabulan sa pagsikat ng araw sina Mang Sotero at Aling Mameng.

Ang bading na kapre ay kaylalaki ng hakbang, umiimbay ang balakang, tuloy sa paghitit ng tabako.

Ang kabiyak na aswang na hukluban ay lumilipad nang mababa, pagod na sa pagkampay ng mabibigat na pakpak. Plap-plapp-plapp.

SA BAHAY na bato sila nagtagpu-tagpo. Nakumpleto ang ‘Aswang Family’ na likha ng masamang diwata.

Nais nang mahimatay sa takot ng binatilyo. Humahagok na sa tensiyon. “Ahiinn. Ahinn.”

Ang aso  ay ayaw nang tumahol; bahag na ang buntot.

Unti-unti na silang nagbalik sa dating anyo. Naging mga tao na.

Pero si Shalina ay malubha ang sugat sa balikat. (ITUTULOY)

                  . .

AHIINN

ALING MAMENG

ASWANG FAMILY

MANG SOTERO

MANONG GRECO

SHALINA

SI SHALINA

TELCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with