Ano ang katabi ng iyong opisina at tindahan?
Negative energy ang ibinibigay ng mga sumusunod na lugar: riles ng tren, airport, police station, basurahan, sementeryo, ospital. Narito ang FENG SHUI REMEDY:
Kung malapit sa riles ng tren, magdispley ng malaking earthenware (produktong yari sa putik o clay) sa labas ng entrance.
Kung malapit sa airport, magdispley sa labas ng entrance ng mabigat na sculpture o gumamit ng mabigat na paperweights (yari sa bato, bakal o crystal) sa iyong mga paperworks.
Kung malapit sa istasyon ng pulis o kulungan, gumamit ng kulay peach na may kombinasyong kulay dilaw na pintura o anumang dekorasyon sa iyong business establishment.
Kung malapit sa basurahan, magtanim ng puno o bulaklak na may matingkad na kulay at may mabangong amoy.
Kung malapit sa building na maraming maingay na makina o pinag-oopisinahan ng stock exchanges, magdispley sa labas ng entrance ng halamang nasa paso; gumamit ng dark colors or dark wood for wall paneling and furniture.
Kung ikaw naman ay isang empleyado na ang opisina ay malapit sa mga nabanggit na lugar, ipinapayo ng mga Feng shui expert na magbakasyon ka o magbiyahe sa lugar na tumatawid sa dagat.
- Latest