Kulugo (1)
Nagkaroon na ba kayo ng kulugo? Nahihiya na ba kayo sa inyong balat na may nakakadiring kulugo? Narito ang ilang impormasyon ukol sa kulugo. Ang kulugo ay isang impeksyon sa balat na dulot ng human papillomavirus (HPV). Mayroong mahigit sa 100 uri ng HPV na responsible sa pagkakaroon ng iba’t ibang klase ng kulugo katulad ng common warts, plantar warts, flat warts and genital warts. 

Ang kulugo ay karaniwan sa mga bata. 

Sintomas ng kulugo
Ang klase ng kulugo ay nakadepende sa uri ng dugo na mayroon ang isang tao.
Maliit na magaspang na bukol.
Ito ay nag-a-average ng 10 millimetres.
Ito ay magaspang o makinis sa ibabaw.
Ang kulugo ay lumalabas pa isa-isa o kumpol-kumpol.
Minsan ito ay makati.
Karaniwang apektado nito ang mukha, paa, tuhod at kamay.
Uri ng kulugo
Ang ilang kulugo na sanhi ng HPV ay:
Common warts (verruca vulgaris) – Ito ay matigas, dumadami ng tumpok na magaspang ang ibabaw. Kahit saang bahagi ng katawan ay puwedeng tumubo ito pero ang tuhod at kamay ang karaniwang tinutubuan nito.
Flat warts (verruca plana) – Ito ay makinis, patag na bukol na kumpol-kumpol na matatagpuan sa mukha, ibabang bahagi ng hita at kamay.
- Latest