^

Para Malibang

Aswang Family (36)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

 

 

 

 

SUMIGAW sa galit si Grecong tikbalang. “Aaaahhh!”

Narinig iyon sa loob at labas ng sagi­ngan.

Narinig din ni Iskong sintu-sinto. Nagtatakbo ito sa takot. “Suko po! Hindi lalaban!”

“Greco…” Nagkamalay si Shalina, nakitang pangko siya ng mister. Lumara­wan ang labis na lungkot sa mukha ng manananggal, naalala ang pagsasamantalang ginawa ni Iskong sintu-sinto.

“Alam ko na, Shalina…papatayin ko ang nagwalanghiya sa pagkababae mo…”

“Si…Iskong sintu-sinto, nakita ko mismo…bago ako nawalan ng malay-tao…”

Naalala ng tikba­lang ang lalaking palayo sa sagingan. Si Iskong sintu-sinto nga iyon. “Gugutayin ko siya sa tadyak, Shalina, isinusumpa ko…”

“G-gamutin mo ang balikat ko…tinamaan ako ng sibat…’ daing ni Shalina. “Ayoko pang…mamatay, Greco.”

Tagadag. Tagadag. Muling dumagundong ang mga yabag ng tikbalang; buhat nito ang asawang manananggal, pauwi sa bahay na bato.

Nasabat siya ng mga militar, sa check-point.

Pinaulanan agad siya ng bala ng mga ito. Brat-ta-tat-tat. Kapow-kapow. Bang. Bang.  

Pero kaybilis ni Grecong tikbalang, mahimalang naiwasan ang mga putok; maging si Shalinang manananggal ay hindi tinamaan.

SA LUMANG simboryo, muling nagkita ang bading na kapre at huklubang aswang.

Muling naghingahan ng dusa ang mga magulang ni Shalina.

“Mameng…nabagok ang ulo ng batang lalaki na tinangay ko…nabitiwan ko siya, bumagsak sa semento…” Umiiyak ang bading na kapre.  “Natakot ako…tumakas. Akong kapre ang natakot, Mameng…”

“Dapat ay dinala mo sa ospital—kahit sa entrance, Sotero…” Nahahabag sa bata ang huklubang aswang, napapaluha.

“Ikaw, Mameng, ano’ng ginawa mo sa gabing ito?”

“Huwag mo nang itanong, Sotero. Kasusuklaman mo lang ako…” Lalo nang napaluha ang aswang.  (ITUTULOY)

 

 

 

vuukle comment

BRVBAR

GRECONG

ISKONG

MAMENG

NARINIG

SHALINA

SI ISKONG

SOTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with