^

Para Malibang

Aswang Family (33)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NATUTULOG ang buntis sa tapat ng bintana ng kubo, walang kamalay-malay na palapit na sa tiyan ang malasinulid na dila ng manananggal.

Si Shalina ang manananggal. Hindi niya napigilan ang pag-iwas sa amoy ng unborn baby; ang halimuyak ng sanggol na di pa isinisilang ay nakababaliw; napakahirap balewalain ng tulad niyang manananggal.

Nakadukwang sa bukas na bintana si Shalinang manananggal,  ilang dangkal na lang ang layo ng malasinulid na dila sa sinapupunan ng buntis.

Zzzzz. Ngoorrk.  Kayhimbing ng tulog ng buntis, naghihilik pa.

Wala pa ang mister, nasa inuman sa kapitbahay.

Ang tanging saksi sa nagaganap ay ang dalawang butiking naglalandian sa kisame.

Gahibla na lang ang layo ng nakalawit na dila ng manananggal; anumang sandali ay tutusok na ito sa tiyan ng buntis, masisipsip ang dugo ng unborn baby.

Biglang nalaglag ang isa sa dalawang butiki, lumagpak sa noo ng buntis. Plak.

Nagising ang buntis, nakita ang nakadukwang na manananggal—pati ang mahabang dila nito.

Nagsisigaw. “EEEEE! EEEEE!”

Nataranta si Shalina, laluna’t may padating nang mga saklolo.

“Hayun, mga kasama! Manananggal nga!  Inaaswang si Tindeng!”

Mabilis na inabandona ni Shalina ang pagsipsip sa unborn baby, umalis agad sa bintana.

“Sibatin! Huwag paligtasin ang manananggal!” sigaw ng mga saklolo, mga lalaking may matutulis na buho.

Nagliparan sa ere ang  mga sibat. Swiss. Swooss. Swaass.

“Aaaahh!” Napaaringking sa sakit si Shalina; inabot siya ng isang sibat sa balikat. “Aaahh!”

Gayunma’y nakalipad pa rin, palayo, kahit duguan. Plap. Plapp. Plaapp.

“Nakatakas, mga p’re! Pero sugatan!”

Si Shalina ay hinang-hina na habang lumilipad. “Hindi ko na kaya, babagsak ako…” (ITUTULOY)

 

           

 

             

 

AAAAHH

AAAHH

BIGLANG

GAHIBLA

GAYUNMA

MANANANGGAL

SHALINA

SI SHALINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with