Aswang Family (26)
HANGGANG galit lang naman ang nagawa ni Shalina kay Iskong sintu-sinto. Nakatakbo ito palabas ng sagingan, hindi hinabol ng babaing naging manananggal sa nagdaang magdamag.
Nais mahambal ni Shalina nang suriin ang pang-ibabang katawan. Klaro ang natuklasan niya.
“Pinakialaman ba ng baliw na Iskong ‘yon ang aking palda?†Nakababa ang siper sa likuran ng skirt niya.
“At bakit alam niyang dilaw ang suot kong…?†Para pang nawala sa ayos ang huling saplot; nakatabingi, napansin ni Shalina.
Kung puwede lang ay nais niyang patayin sa galit si Isko. Hindi niya mapapatawad ang kabastusan nito.
Kaso lang ay alam niyang siya ang mapapasama sa mga tao, oras na sinaktan niya ang sintu-sinto.
“Isa pa’y malalaman ng mga tao na ako’y nasa sagingan, sa dis-oras ng gabi; baka paniwalaan si Isko na naiwan doon ang pang-ibaba kong katawan…â€
Walang dapat makaalam na siya’y isang manaÂnanggal, dikdik ni Shalina sa isipan.
Napapailing na inaÂyos niya ang palda, isinara ang siper. InaÂyos na rin niya ang nakatabinging dilaw na saplot.
Tagadag. Tagadag. Napalingon si Shaina sa pinagmumulan ng mga yabag. Alam agad kung sino ang padating.
“Greco…m-muntik kang abutan ng sikat ng araw…â€
“Inabala ako ng ibang aswang, Shalina. Gusto’y patulan ko sila.†Nagpalit agad ng anyo ang Tikbalang; naging tao nang muli.
“M-mga babaing aswang ang nais lumandi sa iyo?†Sumungaw ang selos sa puso ni Shalina.
Tumango si Greco.
“Kahit ba naman tikÂbalang ka ay nahahaÂling sila sa iyo, ha, Greco? Gano’ng kalakas ang sex appeal mo…?â€
“Mga nagwawalang aswang sila, Shalina. Aburido sa mga mister.â€
“At ikaw ang kaÂniÂlang inaaswang !†Gigil si Shalina.
SA BAHAY, nadatnan na nila sina Aling Mameng at Mang Sotero. Saka nalamang patay na ang matandang bulag. (ITUTULOY)
- Latest