^

Para Malibang

Napariwara dahil sa ina

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Namatay po ang aking ama noong ako ay 12 taong gulang kaya sa murang edad ko ay nakipag­sapalaran ako sa Maynila para tumulong sa pamil­ya. Pero bigo ako dahil sa kawalan ng sapat na edukasyon kaya bumalik ako sa probinsiya. Doon ay nasaksihan ko ang pagkahumaling ng aking ina sa ibang lalaki. Nagalit ako pero mas matindi pa pala ang sakit na nakaabang. Sinabi ng aking ina na wala akong karapatan na pagalitan siya dahil pinulot lang ako ng aking namatay na ama sa bakuran at kinupkop bilang anak. Lumayas ako sa bahay namin at dahil sa matinding galit ay nasumpungan na lamang ang aking sarili na nawalan na ng direksiyon ang buhay. - Dino

Dear Dino,

Ang pagiging ampon ay hindi dapat maging dahilan para mawalan ng direksiyon ang iyong buhay. Bagamat masakit, maaaring may mabigat na dahilan ang iyong mga tunay na magulang nang iwanan ka nila sa bakuran kung saan ka napulot ng iyong kinalakihang ama. Isa pa, ang muling pag-aasawa ng iyong ina ay hindi mo dapat ikasama dahil ito ay bahagi ng  buhay. Magpakatatag ka at maging positibo. Isipin mo na maraming ampon ang nagtagumpay sa buhay dahil tinanggap nila ang katotohanan.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

AKO

BAGAMAT

DEAR DINO

DEAR VANEZZA

DINO

ISA

ISIPIN

LUMAYAS

MAGPAKATATAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with