MANILA, Philippines - Alam n’yo ba na noong unang panahon sa England, hindi tubig ang kanilang pangkaraniwang inumin sa araw-araw sa tuwing nauuhaw at kumakain, sa halip beer at ale ang kanilang iniinom. Sa katunayan, minsan lang sila uminom ng tubig. Pinapayagan na uminom ng isang gallon na beer sa isang araw ang isang tao, kahit pa siya ay madre. Ang mga kalalakihan naman noon ay kinakailangan na nakasuot ang sumbrero habang kumakain. Ito ay upang hindi mapunta sa lamesa ang kanilang buhok.