May bahid ng pagdududa
Dear Vanezza,
Itago mo na lang ako sa pangalang Leeza, 25 years old. May bf po ako. Ang problema ko ay ang ka-textmate niya at ex-gf niya. Tawagin na lang po nating “Deniece†yung ka-textmate niya at “Bheng†yung ex niya. Lihim po siyang nakikipagkita sa mga ito. Si Bheng na may anak at asawa na ay natuklasan ko na may komunikasyon pa pala sila. Ok lang naman po ang tungkol sa mga ito kung open lang po sana ang bf ko. Kaso, umiiwas po siyang pag-usapan namin ang tungkol dito. Hindi ko rin po alam kung para saan at ano ang pakikipagkita niya kay Deniece? Hindi kaya may relasyon sila? Ano po ang gagawin ko?
Dear Leeza,
Kung walang itinatago ang bf mo, hindi siya dapat umiiwas na pag-usapan ang tungkol sa kanyang ex at textmate. Walang masama kung maging kaibigan silang muli ng dati niyang gf o magkaroon ng ka-textmate. Pero kung higit pa sa kaibigan ang kanilang turingan, ibang usapin na ‘yan. Kausapin mo siya at sabihin ang iyong concern. Walang makakalutas sa problema kundi ang maayos na pag-uusap. Ang isang lalaking tapat na nagmamahal sa kanyang kasintahan ay hindi dapat gumagawa ng mga bagay na ikasasakit ng loob ng babae. Kung sa palagay mo ay hindi katanggap tanggap ang dahilan niya, ikaw na ang magpasya kung dapat mo bang putulin ang relasyon mo sa kanya o hindi.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest
- Trending