^

Para Malibang

Ang pagiging ‘Nay’ ‘Tay’ (2)

Pang-masa

Ito ay karugtong ng paksa kung paano ka magiging mabuting magulang kahit na ikaw ay “Single Parent” at nag-iisa sa buhay. Narito pa ang ilang hakbang:

Pagmamahal.  Walang ibang mabuting paraan sa pagpapalaki ng anak kundi ang mabigyan sila ng pagmamahal. Kung busog sa pagmamahal ang iyong anak, wala kang dapat na ipangamba. Bagama’t iisa ka lang para sa kanila, kung palagi mo silang niyayakap, inaaruga at sinasabi ang iyong pagmamahal para sa kanila, tiyak na hindi sila maghahanap ng pagmamahal mula sa ibang tao, na mag-uudyok sa kanila na mag-asawa ng maaga.

Pangangalaga.  Dahil nga nag-iisa ka lang sa buhay bilang magulang, wala ka ng magagawa kundi magtrabaho at itaguyod ang iyong mga anak. Masyadong mahirap ito lalo na kung ang iyong anak ay maliit at wala pang muwang.  Sa ganitong sitwasyon ay wala kang ibang magagawa kundi ipagkatiwala ang iyong anak sa ilang miyembro ng iyong pamilya gaya ng iyong nanay, tatay, kapatid o pinsan. Kung wala naman available sa kanila, maaari kang maghanap ng mga day care center, ngunit tiyakin na mapagkakatiwalaan mo ang mga taong mangangalaga rito.

 Tulong mula sa iba. Kung nagbibigay ng tulong ang iyong pamilya o mga kaibigan, hindi masamang tanggapin ito. Hindi dapat kaawaan ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila  na kaya mong palakihin ang iyong mga anak sa sarili mo lamang.  Mas magkakaroon siya ng kumpiyansa at  mabuting tao kung maraming nagpapakita sa kanyang ng pagmamahal bukod sa’yo.

Balanseng oras. Pag-aralan mabuti ang iyong oras at ang schedule ng iyong mga anak lalo na kung sila ay nag-aaral.  Sa ganitong paraan ay mapapanatili mo ang bonding ninyo sa isa’t isa at hindi mawawalan ng panahon para malaman kung siya ay may hinaharap na suliranin sa eskwelahan o sa kanyang sarili.  (ITUTULOY)

ANAK

BAGAMA

BALANSENG

DAHIL

IYONG

KUNG

MASYADONG

SINGLE PARENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with