‘Cure’ sa Hagdan na Nakabungad sa Pinto
Ano ang hagdanan na nakakasira ng pagkakaisa ng pamilya?
Ang hagdanan na nakikita kaagad o nakabungad kaagad sa mata ng isang bisita kahit nakatayo pa lang ito sa tapat ng front door at hindi pa totally nakakapasok sa bahay. Ano ang Fengshui ‘cure’ sa ganitong klaseng hagdan?
1—Magsabit ng crystal chandelier sa tapat ng hagdanan or makintab/kumikislap na bagay upang ang taong papasok sa bahay ay doon mapatingin at hindi sa hagdan.
2—Maglagay ng mahabang ‘runner’ sa floor area, umpisa sa entrance ng pintuan patungo sa salas. Ano ang ‘runner’? Kadalasan, ito ay mahaba at makipot na carpet or rug na tinatapakan at nagiging guide papunta sa salas. Ang runner ang aagaw ng atensiyon upang hindi mapansin ng bisita ang hagdan, instead, tuloy-tuloy siyang papasok patungo sa salas. Ang example ng runner ay ang carpet na inilalagay sa aisle ng simbahan kapag may ikinakasal or carpet na tinatapakan ng Hollywood stars papasok sa hall kapag gabi ng Oscar’s.
3—Magpasingaw ng vanilla or spiced apple scent sa salas kapag maraÂming bisita sa bahay ninyo.
- Latest
- Trending