^

Para Malibang

Aswang Family (12)

TALES FROM THE OTHER SIDE - The Philippine Star

 YANIG ang mag-amang Sotero at Shalina sa huling sabi ng masamang diwata—sila daw mag-anak pati si Greco, tuwing kabilugan ng buwan—ay magiging Aswang Family!

“Bawiin mo ang sinabi mo, Adwani, huwag mong idamay ang mag-ina ko. Kami na lang ni Greco…” Muling nakiusap sa bad fairy si Mang Sotero, nakaluhod na nagmamakaawa.

“Tapos na ang kaso, Sotero. Wala nang apila, nahusgahan ko na. Pero, meron pala akong regalo kina Greco at Shalina—sa kanilang pagpapaka­sal…” Tahimik na tahimik si Shalina, alam na hindi mapagkakatiwalaan ang masamang diwata.

Si Mang Sotero ay duda rin.

“Hulaan n’yo kung ano, sige.”  Makahulugan ang ngiti ni Adwani.

“Ibabalik n’yo na po ba sa akin si Greco—nang normal, h-hindi na tikbalang?”  Umasam pa rin si Shalina.

“Iba ‘tong regalo ko—mayayaman lang ang meron.”

 Kumumpas na si Adwani. May pumulandit na itim na usok. Swiis.

Sa isang iglap, nasa loob na ng kubo ang regalo. 

Luxury car,  bagumbago.

Mangha sina Mang Sotero at Shalina. Kanila na nga ba ang napakamo­dernong  kotse?

Kraaa-aakk.. Tunog ito ng mga haligi at sahig, na dahil sa bigat ng kotse ay an­yong bibigay. Bumigay na nga. KRAASSSHH.

“Eeeee! Eeeeee!” Tili nang tili si Shalina; sila ni Mang Sotero ay kasamang bumagsak ng sahig at ng kotse.

Mayamaya’y nagi­ba na rin ang mga dingding at bubong; muntikan nang madaganan ang mag-ama.

“Ha-ha-ha-ha-ha!” Tawa nang tawa si Adwani, aliw na aliw.

Si Shalina ay nakalupasay, sumisigaw na humahagulgol. “Hu-hu-huuu. Napa­kasama mo, diwata!  Napaka­sama mooo!”

Naglaho na si Adwani. Sa isang iglap ay nawala na sa pani­ngin.

Naiwan ang kotseng mula sa magic. Hindi malaman ng mag-ama kung ito’y maituturing na yaman. 

(ITUTULOY)

 

 

 

 

 

vuukle comment

ADWANI

ASWANG FAMILY

MANG SOTERO

SHALINA

SHY

SI MANG SOTERO

SI SHALINA

SOTERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with