Paraan para maging masaya sa V-Day (1)
Ngayong malapit na ang Valentines Day, hindi dapat mag-emote kung walang ka-date at magkaroon ng pakiramdam ng pagkaawa sa sarili. May mga paraan pa rin para hindi malungkot kung wala ang iyong ka-Valentino at patuloy na magkaroon ng kumpiyansa sa sarili. Narito ang ilang paraan:
Huwag pintasan ang sarili – Ang numero unong kalaban ng babae ay ang kanyang sarili kaya naman napakahirap mo minsang magwagi. Ngunit para matiyak mong hindi bababa ang iyong self esteem o tiwala sa sarili, dapat mong tigilan ang walang katapusang paghahanap mo ng kapintasan sa sarili. Kung nakikita mong ikaw ay mataba, hindi kagandahan ang buhok, hindi makinis ang mukha, bakit hindi mo hayaan ang mga ito at bigyan ang sarili mo ng pabor, ito ay ihinto ang kakatingin sa mga kapintasang ito at tingnan kung ano lang ang maganda sa’yo at pasalamatan ito. Sa pamamagitan nito, tataas ang pagtingin mo sa iyong sarili at mararamdamang ikaw ay maganda rin.
Magsuot ng kulay pula – Ayon sa survey ng British Heart Foundation, mas nagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili ang mga kababaihan kapag may suot sila kahit na isang bagay na kulay pula sa kanilang katawan. Maging ito man ay pulang lipstick, pulang kulay ng kuko, pulang damit o sapatos o anumang kulay pula ay makakaramdam na ikaw ay maganda. Try it ate!
Magkunwari – Minsan, okey din ang pagpi-pretend. Kung sa pakiramdam mo ay hindi ka pa rin maganda at seksi, okey lang ‘yun, hindi naman nila alam ‘yun e. Pero, pwede mo naman ‘yun iparamdam sa iba, sa pagkilos na ikaw ay kumpiyansa sa iyong sarili. Ayon kay Sophia Loren, para maging maganda at seksi, 50% ay dapat na mayroon kang sex appeal at 50% naman ay kung anong iniisip ng ibang tao sa’yo. Bakit hindi ngumiti ng madalas sa iba? Nakakadagdag ito ng kagandahan at madaling lalapit ang kapwa mo sa’yo dahil makikita nilang ikaw ay madaling pakibagayan. (Itutuloy)
- Latest