Naka-move-on na...
Dear Vanezza,
I’m Mia, 20, single. Mahigit isang taon na kaming break ng aking bf na 11-taon ang tanda sa akin. Akala ko noong una ay hindi ko kakaÂyaning makipaghiwalay sa kanya. Pero, ngayon dahil sa pagbabasa ko ng PM at sa mga pitak na narito ay nakakuha ako ng mga payo at ilang mga tips kung paanong magiÂging matatag sa larangan ng pag-ibig. Noon kasi akala ko ay patuloy ko na lang lulunukin ang mga panloloko sa akin ng aking bf lalo na ng malaman kong marami pala siyang babae sa FB at mayroon pa sa ibang bansa. Noong una ay tila nais niyang ipahiwatig sa akin na dapat ko ‘yun tanggapin kung nais kong magpatuloy ang aming relasyon. Kaya lang dahil sa ako ay one-woman-man, hindi ko ‘yun matanggap. Halos isang taon din akong nakipag-away sa aking sarili para makumbinsing tumayo at layuan ang lalaking ito. Siyempre, sa tulong na rin ng aking pagdarasal at ng mga malalapit na kaibigan kaya nagawa kong maging matatag. Ngayon ay masaya na ko at bukas na muli ang puso para sa taong tunay na magmamahal sa akin. At isa pa, naisip ko rin na hindi niya “deserve†ang isang katulad ko, dahil siya ay manloloko.
Dear Mia,
Ganun naman talaga ang buhay, minsan akala mo hindi mo kayang lampasan ang isang pagsubok, ngunit isang araw ay makikita mo na lang na tinatawanan mo ang iyong naging karanasan at ang maiiwan na lang sa’yo ay ang aral na inihatid nito. Salamat sa patuloy mong pagtangkilik sa PM.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest