^

Para Malibang

‘Aswang family’ (5)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“ITAY,  Inay…kilala n’yo po ba ang babaing umakit kay Greco?” kinakabahang tanong ni Shalina sa mga magulang.

Natitigilan ang kanyang ama at ina, hirap sagutin ang tanong.

“Nagkaroon na ba kayo ni Greco ng ganap na ugnayan?” tanong ng ama, kita sa mukha ang ngitngit.

“Ano pong ugnayan?” Hindi naintindihan ni Shalina.

Inis na bumaling sa asawa ang ama. “Ikaw ang magsabi sa anak mo ng ibig kong sabihin, Mameng.”

“Pero, Sotero…baka naman may ibang paraan?” Salag ng nanay ni Shalina. “Tiyakin muna natin ang kalaban.”

“Tiyak na tiyak ko na kung sino, Mameng! Basta tanungin mo ‘yang anak mo kung may ganap na ugnayan…” Nagtitimpi ang ama.

“Inay…ano ho bang ugnayan?”

Ibinulong ng ina. “Karanasang seksuwal. Pagtatalik ng babae at lalaki.  Pagniniig ng mga katawan ninyo ni Greco, Shalina.”

Napalunok ang dalaga. Sex pala ang tinutukoy ng mga magulang. Bakit nagpaliguy-ligoy pa?

“Magsabi ka ng totoo, anak,” utos ng ina. “Nakasalalay sa totoo ang susunod naming pasya ng iyong ama.”

Sa pamilya ay batas ang pagsasabi ng katotohanan; bawal sa kanila ang magsinungaling.

“Opo, Inay, Itay…nagkaroon na po.” Nakayuko si Shalina, alam na mabibigo ang mga magulang.  Buong akala ay virgin pa siya.

Tama siya. Ang nanay niya ay tahimik na napaluha; ang ama ay nagngalit ang bagang, tumikom ang kamao.

“Itanong mo diyan sa anak mo kung ilang ulit, Mameng!”

Ayaw na siyang kausapin nang direkta ng ama; masamang-masama ang loob nito, alam ni Shalina.

“Shalina, ilang beses daw?”

Saglit na nag-isip ang dalaga.

“Siyam na ulit na po, Inay…”

Lalong bumalong ang luha ng ina; pati ama ay napaiyak.

“Ang babaing umaagaw kay Greco, Shalina, ay isang napakasamang diwata. Ipaubaya mo na si Greco sa diwatang iyon!”  (ITUTULOY)

 

 

AMA

ANO

AYAW

BAKIT

BRVBAR

BUONG

INAY

MAMENG

SHALINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with