‘Aswang family’ (1)
SA LUPANG Banal nagtatagpo nang lihim sina Greco at Shalina. Nagmamahalan sila, super.
Palihim ang kanilang pagkikita. Ayaw pa ng kanikanilang pamilya na sila’y maging seryoso sa pag-ibig; buong akala ay magkaibigan lamang sila.
“Shalina, narito na ako!†Tumatakbong palapit sa tagpuan si Greco, sa nakatagong kuweba sa gubat na sakop ng Lupang Banal.
“Kadarating ko lang, Greco. Mahigpit si Inay.â€
Mapusok na nagyakap ang dalawang bagong tao; young adults na pareho pang naghahanap ng kapalaran sa ilalim ng araw.
“Oh, Greco, akala ko’y hindi na tayo magkikita…â€
Ginagap ni Greco ang mga labi ni Shalina. Mainit silang nagsanib ng mga labi.
Dapit-hapon na, ang nalalabing liwanag ay sinamantala nila. Sila’y nagtalik kahit bawal.
Hindi ito ang una, ilang beses nang naganap kina Greco at Shalina ang dapat ay sa mga mag-asawa lamang.
Lagi namang nauulit ang kasunod na eksena. Parehong nahihiya sa kanilang sarili sina Shalina at Greco; alam na hindi katanggap-tanggap sa lipunan ang bawal na pagtatalik.
“Haaah…lagi tayong nakakalimot, Greco…†napapailing, nakayukong sabi ni Shalina. “Bakit hindi kita matanggihan?â€
“Shalina…kung susundin natin ang ating pamilÂya—makapagpapakasal lang tayo kung tayo’y 25 na…limang taon pa ‘yon, napakalayo pa…â€
“Pareho kasi tayong takot na magkahiwalay, Greco. Kaya lagi tayong gumagawa ng mga alaala…kahit pa immoral…†Nagbihis na si Shalina, sakop na naman ng guilt.
LINGID sa dalawa, kanina pa sila pinapanood ng isang napakagandang nilalang ng kagubatan.
Nasusubaybayan nito ang ginagawa ng dalawa sa kuweba.
Siya si Adwani, isang diwatang napakaÂlungkot. At may mahigpit na obsesyon. “Umiibig ako sa binatang tagalupa. Dapat ako ang ibigin niya.â€
Gagawin ni Adwani ang lahat, maangkin lang si Greco.
(ITUTULOY)
- Latest