^

Para Malibang

Ang iyong dugo (10)

BODY PAX - Pang-masa

Sa mga bata, ang ALL ay nagkakaroon ng mabu­ting reaksiyon sa panggagamot, na halos hanggang 75 porsyento ng mga bata na may ganitong uri ng lukemya ay nagkakaroon ng lubusang pagbabawas at sa huli ay nagagamot.

Ang ALL ay nangangailangan ng natatanging panggagamot, na tinatawag na  propilaksis sa utak o sa pinakasentro ng utak or central nervous system prophylaxis) upang hadlangan ang sakit. Karamihan sa mga ahente ng chemotheraphy na ginagamit sa ALL ay hindi nakararating sa ilalim ng takip ng utak, ngunit ang lukemya ay maaari. Ang propilaksis sa utak ay isang panggagamot na ibinibigay sa utak at mga takip nito upang hadlangan ang lukemya na makapagtago sa mga lugar na ito sa panahon ng chemotheraphy at pagkatapos lalago uli matapos ang gamutan. Ang ganitong uri ng panggagamot ay maaaring samahan ng iniksiyon ng mga gamot sa pamamagitan ng ‘lumbar puncture’ sa gawing ibaba ng gulugod o ang hindi karaniwang paggamit ng radiotheraphy sa utak o sa gulugod. Para sa mga pasyente na ang sakit ay bumabalik-balik o bumabalik matapos ang unang panggagamot sila ay maaaring makinabang sa ‘stem cell’ transplant.

 Chronic lymphocytic leukaemia – CLL. Tinatawag din na chronic lymphatic o chronic lymphoid leukaemia Ito ay isang mabilis o mabagal na lumagong uri ng lukemya. Tulad ng sa ALL, ang mga selula ng limpositik ay apektado.

CHRONIC

KARAMIHAN

LUKEMYA

PANGGAGAMOT

TINATAWAG

TULAD

UTAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with