‘Butas na lupa’ (60)
HINDI malaman ng magkasintahang Jake at Monica ang nagaganap sa mga taga-ibang planeta. Bakit nagbagsakan ang mga fighter planes? Bakit namamatay o nagpapakamatay ang mga nilalang na mukhang Japanese snails?
At ano ang kinalaman ng laganap na amoy ng bagoong?
Walang tigil ang pag-uusap sa isip ng magkasintahang estatwang buhay. “Jake, imposibleng sila ang gumawa ng bagoong na papatay sa kanila…â€
“Monica, baka may ibang purpose sila sa bagoong—nagkataong nag-leak at sumama sa hangin, malay ba natin?â€
Ang klaro, patuloy na namamatay o nagpapakamatay ang mga aliens; walang patlang ang mga tumatalon mula sa mga flying cars.
“Aiyiiii! Templangken! Vizzuuuiii!â€
Grabe ang nangyayari sa mga taga-ibang planeta, dama nina Monica at Jake. “Monica, wala itong kaibahan sa tinatawag ng mga tao na genocide—planadong pagpatay sa pamamagitan ng nakalalasong kemikal.â€
“Pero, Jake, sino ang pumupuksa sa kanila? Sila-sila rin ba?â€
Iba ang pumasok sa isip ng binatang photo-journalist.
“Monica, naunang nag-crash ang mga fighter planes nila, di ba? Hindi sila nakarating sa ibabaw ng butas…â€
“O, ngayon? Hindi ko alam ang tinutumbok mo, Jake!â€
“Sumunod ay naamoy natin sa ere ang bagoong na tulad na tulad ng amoy ng bagoong na gawa ng tao…â€
“Ano nga ang tinutumbok mo, Jake?â€
Napalunok ang binata.
“Di ba kasunod ng amoy-bagoong, nakita nating nagtatalunan-- nagpapakamatay o namamatay-- ang mga aliens na nasa flying cars?â€
“For God’s sake, Jake—ano nga ang ibig mong sabihin?â€
“Monica, baka ang mga tao sa ibabaw ng butas ang…â€
“Ang ano, Jake? Sabihin mooo!â€
“B-baka sina Doktora Nuñez—for whatever reason-- ang nakaisip magbuhos ng siguro’y nakakaraming…bagoong…†(TATAPUSIN)
- Latest