‘Butas na lupa’ (57)
“MALAS ’yang si Doktora, e,†patuloy ng desperadong manong. “Biruin mong bago niya naibuhos sa butas na lupa ang sangkatutak na bagoong, saka naman biglang sumalakay ‘yung mga nakaeroplanong nagmula sa ilalim!
“Si Doktora, kinanyon na siya ng mga eroplanong mukhang kotse! Patay! Hindi nailigtas ang mag-iina ko sa ilalim ng butas! Hu-hu-huu!â€
Tarantang kinontak agad ng engineer ang munisipyo, gamit ang cell phone. Nakausap nito ang mayor.
“Totohanan na ‘to, Mayor Ocampo, sir—kitang-kita namin ang mga aliens sa ibabaw ng dagat, sakay ng mga eroplano nilang pandigma!â€
“Engineer Joseph, mananagot ka kapag ito’y balitang kutsero! Baka naman naimpluwensiyahan ka lang ni Doktora Nuñez?â€
“Mr. Mayor, sir, patay na ho naming inabutan si Doktora Nunez! Ayon sa saksi, tinira siya ng kanyon ng aliens!â€
Saglit na natahimik ang mayor, kinilabutan.
“Mayor Ocampo, sir, nariyan pa ba kayo…?â€
“Engineer, I’m still on the line…n-nasaan na ang mga aliens? Papunta na ba rito s-sa bayan?â€
“That I don’t know, Mr. Mayor, sir…pero ‘yon pong nakita namin sa ibabaw ng dagat, nagsalpukan ho at kusang nag-crash sa dagat!
“Para hong nabaliw lahat ang aliens at sunud-sunod na nag-self destruct! Maraming bangkay nila ang naglutangan sa dagat!â€
Naalala ng mayor ang mga creatures na natagpuan sa bahay ni Doktora Nuñez, na umano’y namatay sa amoy ng bagoong.
“Mukha ba silang suso or snails, Engineer Joseph?â€
“Yes, Mr. Mayor, sir! Pagkapapangit! Amoy malalansa!â€
Napatingala sa laÂngit ang mayor, puno ng ligalig ang anyo. “Engineer Joseph, irereport ko na ito sa ating armed forces! Meanwhile, pray hard!â€
KUMILOS na rin agad ang engineer at ang mga tauhan. “Dali, mga kasama, ipunin ang nagkalat na bagoong! Naghahabol tayo ng oras!â€
“Ibig mong sabihin, engineer, naniniwala ka sa teyorya ng doktora—na ang amoy ng bagoong ang papatay sa mga taga-ibang planeta?â€
“Hindi pa sure,†sagot ng inhinyero. “Pero base sa nangyari sa aliens sa dagat—duda ko’y pinatay nga sila ng amoy ng bagoong!†(ABANGAN!)
- Latest