Ang iyong dugo (8)
Kaya, ang bilang nila ay lumalago nang lumaÂlago. Ang napakataas na bilang ng selula sa dugo ay maaaring maging sanhi ng pagbabara ng ugat at makasira sa tisyu ng katawan. Ang dugo ay nagiging malapot at malagkit, at nahihirapan itong maglakbay nang maayos. Ang problemang ito ay isa sa mga epekto ng lukemya na siyang binibigyan ng lunas sa panggagamot.
MGA URI NG LUKEMYA
Ang apat na karaniwang uri ng lukemya ay ang:
• Acute Lymphoblastic Leukaemia ( ALL)
• Chronic Lymphocytic Leukaemia – (CLL)
• Acute Myeloid Leukaemia – (AML)
• Chronic Myeloid Leukaemia – (CML) 

Ang Acute leukaemia ay nakikita kung ang mga selula ay naaapektuhan ng lukemya sa pagsisimula pa lamang ng buhay nito. Ang ibig sabihin nito, nanatiling mura ang selula at hindi makagawa ng dapat gawin nito. 
Ang pasyente na may malubhang uri ng lukemya ay lalong nagkakaroon ng impeksiyon, pagdudugo, at anemya, halos sa lahat ng oras ay nangangailangan siya ng madaliang panggagamot. 

Ang Chronic leukaemia ay nakikita kung ang lukemya ay nakakaapekto sa ‘magulang na’ na mga selula. Kalimitan, ganito ang normal nilang gawain, at anemya, pagdudugo at impeksiyon ay hindi halos nangyayari. Ang mga pasyenteng ito ay hindi palagiang nangangailangan ng dagliang panggagamot at ang ilan ay maaaring hindi mangailangan kailanman ng panggagamot.
- Latest