^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (55)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

KITANG-KITA ng engineer at mga kasama ang nagliliparang puwersa ng taga-ibang planeta.

“Tingnan n’yo, paese-ese ang lipad nila sa ibabaw ng dagat! Nakakapagtaka!” kinakabahang sabi ng chief engineer. “Pero, boss, merong ilan na palapit sa ‘tin!” “Titirahin tayo niyan! Talon, mga kasama! Talooonn!”Nagtalunan sa tubig. SPLAASHH. Ang motorboat ang nasapol ng pagbomba. BLAMM. Ligtas ang engineer at ang team. Kitang-kita nila ang nangyayari.

“Magsasalpukan!” KRASS. BLOOOM. Kay-ingay ng banggaan ng alien air forces.

Ang iba pang sasakyang panghimpapawid ng mga ito ay sunud-sunod nang bumagsak sa dagat.

Nagliliyab. Walang kabuhay-buhay.

Lumutang sa dagat ang labi ng mga kakaibang nilalang. Ang ilan ay tumilapon sa malapit sa tropa ng engineer. Diring-diri sila sa mga anyong suso. “Pagkapapangit! Malalansa!” “Huwag n’yong lalapitan, mga kasama! Baka toxic!”

Umiwas ng langoy ang mga taong munisipyo.   

“Pero bakit nagkagano’n? Ano’ng nangyari’t nag-self-destruct sila?”

“Engineer, intindihin po muna natin kung paano tayo makaliligtas! Malayu-layo pa ang isla!”

Walang choice kundi languyin nila ang distansiya; more or less ay isang kilometro mula sa pampang ng Antukin.

SA ILALIM ng butas na lupa, sa tuktok ng nakahapay na tall building, luha lang ang kayang gawin ng magkasintahang Jake at Monica; estatwang buhay pa rin sila. Kaya pa ring mag-usap sa isip.

“Jake, walang kalaban-laban ang mga tao sa ibabaw…mabibigla sila ng pagsalakay ng mga aliens…”

“Monica, mas masahol pa ito sa surprised attack noon sa Pearl Harbor ng air forces ng Hapon…”

“At ngayo’y parang  biro-- umaatake naman ang mga mukhang susong Hapon.” ITUTULOY

 

 

 

 

vuukle comment

ANO

ANTUKIN

HAPON

HUWAG

PEARL HARBOR

PERO

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with