‘Butas na lupa’ (53)
SA BAYANG karatig ng isla, sa palengke, pinakyaw na yata ni Doktora Nuñez ang lahat ng bagoong na hilaw.
Halos napuno ng timba-timbang bagoong ang pick-up ng magandang manggagamot.
Isinakay sa malaking bangka, dinala agad iyon sa isla-- sa Barangay Antukin. Nagtataka ang may edad nang boatman. “Doktora, ano nga ho ang gagawin n’yo sa bagoong? Pagkadami-dami naman.â€
“Ipanlalaban ko sa mga nais sumakop sa atin, Mang Ompong.â€
“Po?â€
“Saka mo na malalaman, kapag may resulta na. Tara, iahon natin, dalhin natin sa sinkhole!â€
“Singkol? Ano po ‘yon?â€
“Mang Ompong, utang na loob ho, naghahabol ako ng oras! Napakalakas ng kutob kong pasalakay na ang mga kalaban!â€
“O-Opo, opo, doktora! Tara na po sa sinasabi ninyong singkol!â€
Saka lang naunawaan ng boatman na butas na lupa ng Antukin ang kanilang pinag-uusapan. Doon ipinalagay ng manggagamot ang maraming timba ng sariwang bagoong.
“Sarado na po ito, a. Wala na pong makapapasok at makalalabas.â€
Itinuro ng doktora ang manhole sa takip ng sinkhole. “Nakausap ko na ang chief engineer, may permiso na rin ako ng municipal mayor, Mang Ompong. Anumang oras ay darating sila—bubuksan sandali ang manhole.â€
“At ano po ang mangyayari, doktora?â€
Napangiti nang makahulugan si Doctora Nuñez. “Mang Ompong, maipaghihiganti na natin ang mga taong buhay na nilamon ng sinkhole na ‘to. Sina MoÂnica at Jake, si Chairman Domeng at mga tanod…
“Pati na daan-daang tao ng Antukin na nilulon ng butas na lupa…â€
“‘Yun pong tinatawag ninyong singkol?â€
NapabuntunghiniÂnga ang doktora. “Opo, sinkhole po.â€
Kaytagal ng mga hinihintay. “Bakit sobra namang na-delay si Engineer? Siya mismo ang magpapabukas sa manhole, Mang Ompong.â€
“Ibig n’yo bang sabihin, may mga kalaban sa loob ng butas?â€
BRAAMM. Biglang nawasak ang kongkretong takip ng sinkhole. Gulat na gulat sina Mang Ompong at Doktora Nuñez.
Sumalakay na ang mga taga-ibang planeta. ITUTULOY
- Latest