^

Para Malibang

‘Marital infidelity’ may nakaka-survive nga ba?

Pang-masa

Sa tuwing napag-uusapan relasyong mag-asawa, at paano ito magi­ging matatag, iisa lang ang sagot ng nakararami, dapat ay maiwasan ang “infidelity” o pagtataksil sa isa’t isa, na dapat ay hindi mabasag an salitang “trust” o pagtitiwala. Marami pa nga ang nagsasabi na isa sa mga kasalanang walang kapatawaran kapag ang isa ay nagtaksil na. Ngunit tila lahat ng pagsasama ay dumaraan sa pagsubok. Napakaliit ng tsansa na hindi dumaraan ang isang mag-asawa/mag-partner sa isang pagsubok kung gaano at paano magiging matatag ang kanilang pagsasama.

Ayon sa isang psychologist, malaki ang posibilidad na maka-survive ang isang mag-asawa matapos na madiskubre ang pagtataksil ng isa sa kanila. Pero, sa kanilang dalawa, mas malaki ang responsibilidad ng asawang pinagtaksilan kumpara sa nagtaksil (cheater). Bakit? Hindi kasi madaling makalimot magpatawad, at ang gagawa nito ay ang pinagtaksilan at hindi ang nagtaksil. Kinakailangan din siyang tulungan ng cheater para maburang lahat ng pagtataksil sa isip ng kanyang asawa at ang pagkakaroon ng bukas na puso at komunikasyon ay mahalaga. Hindi naman anila, mahirap na malampasan ang testing sa relasyon, basta handa ang isa’t isa na gawin ang kanilang bahagi para maka-survive at maka-move-on.

Marami pa ngang mag-asawa/mag-partner na bumibili pa ng kung anu-anong lucky charm para lang maging matibay ang kanilang relasyon, may nagtutungo pa sa feng shui para maiwasan ang pangangaliwa ng isa’t isa, pero, sa totoo lang, walang ibang maaaring tumulong sa isang relasyon kundi sila rin na nakapaloob dito at ang pagdadasal sa araw-araw na sana’y makaiwas ang bawat isa sa tukso.  (mula sa www.yahoo.com)

AYON

BAKIT

ISA

KINAKAILANGAN

MAG

MARAMI

NAPAKALIIT

NGUNIT

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with