^

Para Malibang

Kung siya ay malayo

Pang-masa

May kasabihan “absence makes the heart grow fonder”, ibig sabihin, kapag hindi raw nararamdaman ng iyong puso at nakikita ng iyong mga mata ang taong nagpapasaya sa’yo ay nami-miss mo siya.  Kaya lang hindi lahat ay sasangayon sa kasabihan ito, lalo na at hindi naman naging matagumpay ang  kanilang “Long distance relationship”. Paano nga ba malalaman kung walang patutunguhan ang ganitong uri ng relasyon. Narito ang ilang palatandaan na dapat mong bigyan ng pansin:

Ikaw lang ang pursigido na buhayin ang relasyon -  Sa’yo ba nagmumula palagi ang u­nang text o tawag para kayo ay magkausap? Ikaw ba ang palaging nagtatakda ng inyong date sa skype, facebook, YM o anumang uri ng komunikasyon? May mga pagkakataon ba na nagtataka ka kung nasaang lupalop ang iyong karelasyon kaya hindi siya nakaka-reply? Sa isang relasyon, nais mong ikaw ang maging priority. Kaya lang dapat kang maalarma kung sa tingin mo ay walang kiber ang iyong bf/mister na ikaw ay kontakin o magkaroon ng “initiative” na makipagkomunikasyon. Ibig sabihin lang nito ay hindi siya ganun ka-“committed” sa’yo  o di kaya ay nawawalan na siya ng interes.

Matinding selos – Naalala mo pa ba kung gaano siya ka-cute kapag nagseselos sa ibang lalaking iyong nakakausap? Pero, kapag kayo ay magkalayo at tila ginigisa ka niya sa mga tanong na gaya ng “Saan ka galing?” “Anong oras ka umuwi?” “Sinong kasama mo”?  Tiyak na mababaliw ka kung paano mong ipapaliwanag ang lahat sa kanya. Sa totoo lang ang selos ay isang “relationship killer”, lalo pa’t milya-milya ang inyong distansiya.

 

 

 

 

 

ANONG

IBIG

IKAW

KAYA

MATINDING

NAALALA

NARITO

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with