Ang iyong dugo (2)
Ang lahat ng selula ng dugo ay tumatanda at namamatay, ngunit ang haba ng buhay ng bawat isa ay malawak ang pagkakaiba.
Ang mga pulang selula ng dugo ay nabubuhay nang halos apat na buwan matapos umalis sila sa bone marrow.
Ang mga puting selula ay nabubuhay lamang ng ilang oras.
Ang mga pleytlet ay nabubuhay ng ilang araw.
Dahil sa maikli ang buhay ng mga puting selula at pleytlet, hindi ito maaaring palitan kaagad ng pagsasalin ng dugo.
ANO ANG GINAGAWA NG MGA SELULA NG DUGO?
Mga pulang selula ng dugo (Ang mga imbakan)
Ay may protina (hemoglobin) na siyang nagdadala ng oxygen mula sa baga patungo sa lahat ng bahagi ng katawan. Sa paglalakbay na ito sa lahat ng bahagi ng katawan, kinukuha nito ang lahat ng masasamang produkto at dinadala ito sa mga baga na kung saan ito ay ibubuga bilang carbon dioxide.
Kung kulang ang pulang selula ng dugo ang isang tao ay maaaring makaramdam ng pagod at panghihina. Maaaring namumutla at madaling mapagod dahilan sa ang katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na oxygen na kailangan nito. Ang kakulangan ng pulang selula ng dugo ay tinatawag na anemya. 
Mga puting selula ng dugo (Ang panlaban sa mga impeksiyon)
Nilalabanan ang impeksiyon, tinatanggal sa katawan ang mga mikrobyo (bugs) na nagiging sanhi ng sakit at ang mga depektibong selula.
Mga T-limposites (T-lymphocytes) ang siyang pumipigil sa pagkakasakit, maaaring patayin nito ang virus at mga selulang kanser.
Ang B-limposites (B-lymphocytes) ay gumagawa ng mga panlaban sa mikrobyo (antibodies).
Ang mga Niyutropil (Neutrophils) ay panlaban sa impeksiyon, pinapatay nito ang baktirya at tinatanggal ang mga nasirang tisyu.
Ang mga Monosites (Monocytes) ay katulong ng limposites na sumagot sa impeksiyon na kailaÂngan sa paggawa ng panlaban sa baktirya.
- Latest