^

Para Malibang

‘Taken’ o ‘Available’

Pang-masa

Isang araw ay hindi mo inaasahan na makukuha ng  lalaki/babaeng ito ang iyong atensiyon at talaga naman pakiramdam mo ay tinamaan ka ng palaso ni Kupido. Kaya lang hindi mo naman alam kung siya ay “taken” na o “available” pa para siya ay maging sa’yo. Paano nga ba ang gagawin mo para malaman mo kung pupuwede pa na maging “kayo”? Narito ang ilang paraan:

Obserbahan ang kanyang kilos kapag kaharap ang ibang babae – Hindi naman ibig sabihin nito ay magiging “stalker” ka na niya. Medyo pansinin at pag-aralan mo lang mabuti ang kanyang kilos kung nagiging “flirt” din siya sa ibang babae/ lalaki sa kanyang paligid o siya ay hindi komportable?

Tingnan ang kanyang social networking site – Kung siya ay may Facebook/ MySpace, maaari mong silipin kung anong estado na inilagay niya dito. Maaaring ideklara niya dito kung siya ay “single”, “married” o “in a relationship”.

Makipagkaibigan sa kanya – Kung magiging “close” kayo, malaki ang posibilidad na malaman mo ang mga mahahalagang detalye sa kanyang buhay.

Kilalanin ang kanyang mga kaibigan – Maaari kang makipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan at magtanong sa kanila tungkol sa iyong “crush”, ngunit hindi mo rin dapat ipahalata sa kanila na interesado ka sa taong ito dahil posibleng mabulilyaso ang lakad mo.

Ikuwento sa kanya ang iyong ex gf/bf – Kung matagal na kayong magka­kilala, maaari mong i-share sa kanya ang iyong “past relationship” at tingnan mong mabuti kung anong magiging reaksiyon niya.

vuukle comment

FACEBOOK

IKUWENTO

ISANG

KANYANG

KAYA

KILALANIN

KUNG

KUPIDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with