‘Butas na lupa’ (44)
MAITIM na dagat ang binagsakan ni Jake. SPLAASSHH.
Tuluy-tuloy sa ilalim si Jake, hinila ng undercurrent. Glug-glug-glugg.
Sa pagkamangha ni Jake, nakakakita siya sa ilalim ng itim na tubig. Duda na siya sa estado ng sarili. “Patay na ba ako? Kaluluwa na ba ako? Akala ko lang ba ay taglay ko pa ang katawan ko?â€
Hindi mga corals ang nakikita niya; mga batong buhay na nagkikislapan, nagbibigay ng malamlam na liwanag.
Bakit walang mga isda?
“Aaahhh!†Napaigtad siya—may pasugod sa kanya na nakagigimbal.
Malaking isdang tatlo ang ulo, kasinghaba ng regular bus!
Sinambilat siya nito, mabilis nang inilangoy paibabaw ng tubig na itim. Dama ni Jake ang lansa at baho ng kakaibang sea creature.
Narating nila ang ibabaw ng dagat. Napasinghap si Jake. HALPSS.
Nawalan ng malay-tao ang binatang boyfriend ni Monica. Unnnn…
NANG magmulat siya ng mata, siya ay wala na sa itim na dagat.
“S-Saan ako naroon?†tanong ni Jake, nasa loob ng isang silid na solidong berde ang kulay. Wall-to-wall na berde.
Kinapa niya ang sarili. Nakakapa niya ito; buhay pa siya.
Nakatayo siya sa tingin niya’y mababang pedestal.
“Hello! Anybody home?†Sumisigaw si Jake. Wala siyang ideya kung nasaan na siya.
Ang huli niyang naaalala, siya ay nasa ilalim ng itim na dagat.
Nayanig nang bahagya ang kanyang kinatatayuan. Bago pa niya namalayan, iniaakyat na ang mismong tinutuntungan niyang munting silid.
Naunawaan niyang siya’y nakasakay sa isang tila express elevator.
Suwabeng-suwabe ang tunog nito. Wrrrrr.
Nagbilang ng segundo si Jake. “One…two…three…â€
60 seconds flat. Kaytaas ng kanilang pinanhik, natitiyak ni Jake.
Hinulaan niyang bubukas ang di-nakikitang pinto, ng kuwadradong silid na berde. Nasa kaliwa ba niya? Nasa kanan?
Mali. Nasa ulunan niya ang invisible door.
Bumukas iyon sa isang iglap, pumasok ang malamlam na liwanag.
May kung anong puwersang bumalot at nag-angat kay Jake.
Itinabi siya sa imaheng hindi gumagalaw. “Oh my God!†ITUTULOY
- Latest