Pahabain ang iyong ‘eyelashes’
Maraming bahagi ng iyong mukha ang inaalagaan natin at may mga parte rin naman nito na hindi natin nabibigyan ng pansin gaya ng “eyelashes†o pilik mata. Paano nga ba alagaan ang pilik mata? At maging makapal at maganda ito. Narito ang ilang paraan:
Brush – Medyo “weird†hindi ba? Pero, sa totoo lang kailangan din na sinusuklay ng maliit na brush ang iyong eyelashes bago mo tuluyang lagyan ng mascara dahil nakakatulong ito para mas lalo siyang humaba.
Gumamit ng petroleum jelly – Hindi lang sa paso o sugat mabuting ilagay ang petroleum jelly kundi maging sa iyong eyelashes. Sa halip na gumastos sa kung anu-anong make-up para sa iyong eyelashes at mangingitim pa ang iyong mga mata. Bakit hindi mo na lang lagyan ng petroleum jelly ang talukap ng iyong mata o eyelid. Magugulat ka dahil mabilis din ang epekto nito at makikita mong humahaba ang iyong pilik mata.
Olive oil - Isa pang epektibo at mahusay na pampakapal din ng pilik mata. Inia-apply din ito sa talukap ng mata bago matulog para makuha ng nito ang lahat ng minerals at bitamina mula sa olive oil.
Tamang diet – Ang mga kinakain mo sa araw-araw ay direktang nakakaapekto para magkaroon ng matibay at mahabang eyelaÂÂsÂÂhes. Kung mahilig kang kumain ng matatabang pagkain sa halip na prutas at gulay, tiyak na mayroon kang katamtaman hanggang sa kaunti lang na pilik mata. Kaya dapat na maging maayos ang iyong diet sa araw-araw.
- Latest