‘Butas na lupa’ (39)
TINUTUTULAN ni Monica ang ginawa sa kanya ng mga taga-ibang planeta. Inilagay siya sa tuktok ng mataas na building na nakahapay at pakurba-kurba ang disenyo. Tanaw niya ang kapaligiran ng kakaibang sibilisasyong nasa ilalim ng lupa.
Estatwa pa rin siyang buhay, nakapag-iisip, nakakakita.
Siya ay nakaarte pa rin na estatwang nagimbal, nayanig sa sinapit.
“At ako’y narito, on top of their world! Mga gago ang mga taga-ibang planetang ito! Sino ang makakakita sa akin kundi ang mga nasa sasakÂyang lumilipad!†Tumatakbo ang diwa ni Monica.
Pakiramdam niya’y isa siyang napakaliit na estatwang super-pangit—kumpara sa Statue of Liberty sa Estados Unidos na napakalaki at kahanga-hanga sa ganda.
“Mga hinayupak kayong mga mukhang suso! Utak-biya kayooo!â€
Nanlulumo ang dalaga, nagsisisi na kumbakit kusa siyang tumalon sa butas na lupa.
Napakalaking kagagahan, naisip niya. Ano ba ang kanyang napala sa kanyang pagpapakabayani kuno?
Heto, siya ay ginawang estatwang buhay, itinirik sa ibabaw ng wirdong gusali!
Nag-iisa siyang tao sa napakalungkot na lugar.
Walang langit doon, walang ulap, walang araw at buwan.
“Ang tanging nakikita ko ay walang katapusang kulay-gray, napakalungkot na kulay. Tanaw ko rin sa ibaba ang sibilisasyong hindi ko ma-appreciate—parang ginawa ng isang baliw na arkitekto!â€
May unti-unting sumisiksik sa diwa ni Monica. “Ako ay estatwang buhay—hindi nagugutom, hindi nauuhaw…â€
Naalala niya ang napakaraming pinatuyong tao na nakadispley sa napakalawak na parke—sa tila walang katapusang mall.
Mga taga-ibabaw ng butas na lupa ang mga taong iyon, mga taga-Barangay Antukin sa isla.
Napalunok si Monica, kinilabutang muli sa naisip. “Posible bang tulad ko rin ang mga inakala kong pinatuyong tao? Sila ba ay mga estatwang buhay din—gaya ko?†(ITUTULOY)
- Latest