‘Butas na lupa’ (34)
TINATAWAGAN na ni Jake ang parents ni Monica, para ibalitang patay na ang dalaga, nang mismong matanaw niya ito sa di-kalayuan.
Natitiyak ng binata na si Monica ang naglaÂlakad sa sidewalk, kasabay ng mga tao.
“Oh my God! Buhay si Monica!†naibulalas niya habang hawak ang telepono, sa phone booth sa bayan.
Ang ina ni Monica na kausap ni Jake ay nabuhayan ng loob. “J-Jake, b-buhay ‘ka mo si Monica?â€
“MONICAAA!†Sa katarantahan ay binitiwan na ni Jake ang phone, tumakbo nang palabas ng booth.
Naiwang nakabitin ang telepono, pauguy-ugoy sa cord.
“Hello, Jake? Hello…?â€
Wala nang sagot na natanggap ang ina ni Monica. Hindi makumpirma kung buhay o patay ang anak na dalaga.
“Monica! Si Jake ito! Narito ako! Nasaan ka na?†Hinahabol-hinahanap ni Jake sa makapal na hanay ng tao ang nobya.
Natanaw niya ang ulo nito, nakatalikod, more or less ay dalawampung metro ang layo. Kahit dulo lang ng buhok ni Monica ay kilala ni Jake. “Monica, wait! Monicaaa!â€
Nanagasa na siya ng mga tao sa sidewalk.
May naitulak niya; may nagitgit niya.
“Hoy, ano ka ba? Dahan-dahan naman!â€
“Bastos! Matuto kang maghintay!â€
Kapag tiyangge sa may palengke ay super-dami ng tao. “Sorry po! May hinahabol lang po!â€
Sa tiyaga ay naabutan niya ang nakatalikod na dalaga. Isang dipa na lang ang layo. “Monica!â€
Lumingon ito sa binata.
“Oh my God, Monica! Buhay ka nga!†Naluluha sa galak na niyakap na ito ni Jake.
NR. No Reaction ang dalaga. Hindi man lang gumanting yakap.
Takang minasdan ni Jake ang nobya. “M-Monica?...Ako si Jake, h-hindi mo na ba ako kilala?†(ITUTULOY)
- Latest