‘Butas na lupa’ (31)
TINAMAAN ng laser beam si Monica at ang walong duplikadong ‘Monica’. Si Monicang tao ay naparalisa agad, pero hawak ang isipan-- nakakakita at nakakarinig pa rin kahit hindi makakilos.
Ang walong duplikadong ‘Monica’ na hindi tunay na mga tao ay nagbubungisngisan—hindi tinablan ng laser beam ng mga creatures na mukhang susong Hapon.
Takang-taka ang mga ito. “Wuzzu, wizzi?â€
Sa wika ng tao, itinatanong ng creature sa mga kasamang sundalo kumbakit hindi tinablan ng laser gun nila ang mga duplikado.
Nagtatakbuhang palayo ang mga duplikadong ‘Monica’, pawang hubo’t hubad pa rin.
Nakikita ni Monica ang nagaganap; nakatayo siya, parang estatwa.
“Vizzi, vizzu. Templangken.†Sa wikang tao, sabi ng tinanong sa kapwa creature, hindi nito alam kumbakit hindi tumalab sa mga clone ni Monica ang kanilang sandata.
“Vizzicuz, templangkenizzi!†Lagot daw sila sa kanilang pinuno kapag hindi naibalik sa laboratory ang mga dupikado o clones ni Monica.
Si Monica ay nagpa-panic. Siya ba ay gagawin na ring exhibit ng mga taga-ibang planeta? Matutulad ba siya sa maraming tao na pinatay at pinatuyo saka idinispley?
Nagpipilit si Monica na makagalaw, makaalis sa pagkakaparalisa.
“Umm. Ummph.†Bigo si Monica, hindi talaga siya makagalaw.
Kung hanggang kailan siya bubuhayin ng mga taga-ibang planeta, iyon ang bangungot sa kanya.
“Oh my God…b-baka unti-unti na akong mamamatay sa ganitong kalagayan! Baka tuluy-tuloy na akong matutuyot!†sigaw ni Monica sa isipan, sa loob-loob lamang.
Natatanaw niyang hinahabol ng mga sundalong mukhang suso ang mga hubad na ‘Monica’; Kaybibilis ng mga clones niya.
Siya ay nawawalan na ng pag-asa, pero pilit nananawagan sa Diyos. “Lord, Diyos ko, maawa Ka naman po sa akin! Iligtas Mo po ako para mababalaan ko ang mundo ng tao!
“Konting himala naman po, Lord! Huwag Mo pong paboran ang mga mapanakop na taga-ibang planeta!†(ITUTULOY)
- Latest