^

Para Malibang

Maging ‘Fresh looking’ (2)

BODY PAX - Pang-masa

3. Cruciferous vegetables: Ang pamilya ng mga pakrus na gulay ay ang repolyo, cauliflower, broccoli, kale, turnip, singkamas, Brussel sprouts, labanos, watercress, bok choy, rutabaga at wasabi. Ang mga gulay na ito ay mayroong bitamina, mineral at iba pang nutrients at kemikal na glucosinolites. Ang kemikal na ito na matatagpuan sa mga gulay na ito ay nag-aalis ng ilang biological active compound na nagiging sanhi ng kanser. Ito ay tumutulong sa katawan natin na malabanan ang toxins at kanser. Puwede ring kainin ito ng hilaw o di-gaanong luto upang sa gayon ay mapanatili ang mahahalagang enzymes mula sa gulay na ito.

4. Pasta and rice: Ang pagkain nito ay maaaring makakuha ng Complex carbohydrates na nagbibigay ng sapat na supply ng enerhiya sa buong araw upang maging malakas ang pangangatawan ng buong araw. Samantala ang Wholemeal pasta  ay isang mahusay na mapagkukunan ng complex carbohydrate. Mayaman din ito sa fiber upang maiwasan ang constipation. Samantala, ang Brown rice ay isa pang inirerekumendang pagkunan ng complex carbohydrate dahil sa taglay nitong Fiber at  B Vitamins.

5. Soya: Mayaman ang soya sa protina kumpara sa ibang mga legumes at ang protina nito ay katumbas ng karne at gatas. Ang lebel ng amino acids nito ay mataas din kaya mainam itong pamalit sa karne at gatas kung gustong makamit ang sapat at tamang protina. Mayaman din ito sa mga micro nutrients katulad ng calcium, iron at ito ay nakukuha sa fermented soyfoods katulad ng tempeh at miso. Maaaring makatulong ito upang maptotektahan tayo laban sa Alzheimer, osteoporosis at atake sa puso dulot ng katandaan. Kaya dapat na kumain ng mga pagkain na mula sa soya upang makaiwas sa mga sakit nakukuha dulot ng katandaan.

B VITAMINS

KAYA

MAAARING

MAYAMAN

PUWEDE

SAMANTALA

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with