^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (21)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

GALIT na galit kay Jake ang mga taga-isla. Hinayang na hinayang na ang napakagandang dalagang Manilenya ay hinayaan ng boyfriend na makatalon sa butas na lupa.

“Gago ka, bro! Gulpihin ka na kaya namin!”

“Sira-ulo mo, ano? Alam mong walang nabubuhay sa butas na ‘yan!”

“Ihagis na kaya natin ‘to sa butas? Walang pagpapahalaga sa buhay ng kapwa, e! Hindi nito tunay na mahal ‘yung nobya!”

Sunud-sunod na upasala ang inabot ni Jake.

Ang binata ay nais mabaliw, sising-sisi. “Mahal na mahal ko si Monica! Hindi ko siya ginustong tumalon! Siya ang mapilit!”

Hindi katanggap-tanggap ang rason ni Jake.

Lalo lang nagalit ang mga taga-isla.“Kaya nga bilang nobyo, ikaw dapat ang pumigil sa kanya! Hinila mo sana palayo sa lintek na butas na lupang ‘yan!”

Nagtatakip ng tenga si Jake, hindi ba nauunawaan ng mga tao na siya’y labis nang nagi-guilty?

“Para namang hindi mo nakita ang nangyari sa mga taga-munisipyo, bro! Nilulon sila ng butas na lupa matapos higupin mula sa laot! Ganoong kademonyo ang butas!”    “Maituturing na nagtaksil ka sa nobya mo, bro! Kulang ang pagmamahal  o sa kanya, kaya hindi mo pinigilan nang todo!”

Iling nang iling si Jake. “Nagkakamali kayo, hindi ako taksil kay Monica!  Pakakasal na kami next year! She’s my life!”

Lalo lang hindi siya napatawad ng mga taga-isla. “Kung totoong she is your life, dapat e tumalon ka na rin sa butas!”        

  “Tama si Amang, bro—patunayan mong siya ang buhay mo—samahan mo sa kanatayan ang syota mo!”

Umiling si Jake. “Hindi sa ganyang paraan mapapatunayan ang pagmamahal ko. Igalang n’yo naman ang damdamin ko.”

HINDI  halos umaalis sa gilid ng butas na lupa si Jake; pareho rin ng ibang survivors, naghihintay ng palatandaan ng buhay mula sa butas.

“Monica, bawal mamatay! Buhay ka pa, di ba?” sigaw ni Jake.

BUHAY si Monica sa loob ng sinkhole. At gilalas ito sa kinaroroonan.  “Amazing!”

 (ITUTULOY)

 

 

 

vuukle comment

ALAM

BUHAY

BUTAS

GAGO

GANOONG

GULPIHIN

JAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with