^

Para Malibang

‘Perfect mate’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si “Dayana”, 45 yrs. old at dalaga pa rin. May naging bf po ako na nakilala ko nung magtrabaho ako sa Japan. Balo siya at may mga anak na malalaki na rin. Mabait siya at maalalahanin kaya nahulog ang loob ko sa kanya. Nang matapos ang kontrata ko at bumalik ako ng Pilipinas ay siya ang gumastos para muli akong makabalik sa Japan. Ipinasok niya ako sa kanyang pinapasukan at doon ay nag-live-in kami. Nabuntis ako pero hindi rin nabuo dahil inoperahan ako sa matris. Sa kabila nito ay hindi ako pinabayaan ng bf ko. Ni-raid ang kumpanyang pinapasukan niya at dahil overstaying siya kasama siya sa mga na-deport. Nag-decide na rin akong umuwi. Gusto na naming magpakasal, pero tutol ang kapatid ko sa aming relasyon. Pareho kaming walang trabaho at umaasa lang sa kaunting naipon. Ano ang gagawin ko?

Dear Dayana,

Hindi naman magastos ang simpleng kasal. Kahit sa huwes, ok na. Ang mahalaga, napatunayan ninyo na sa kabila ng lahat ay uma­bot kayo sa ganyang edad na nagmamahalan pa rin. Huwag mong intindihin ang kapatid mo dahil ang pagpapasya mo ay para sa sarili mong kaligayahan. Gamitin ninyo ang bahagi ng inyong ipon para sa isang negosyo na mapagkakasunduan ninyo. Nasubukan na ninyo ang isa’t isa kaya walang duda na perfect mate kayo.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

ANO

BALO

DAYANA

DEAR DAYANA

DEAR VANEZZA

GAMITIN

HUWAG

IPINASOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with