Pendulum, fortune-telling devise
Ang pendulum ay fortune-telling devise na ginagamit sa mga katanungang answerable by YES or NO. Simple lang ang paggawa nito:
1--Kahit anong bagay ay puwedeng gawing pendulum—singsing, quarz crystal, metal, pencil, mabigat na butones. Talian ito ng 8 inches na sinulid o nylon thread.
2--Hawakan ang tali ng pendulum kung saan nakatukod sa mesa ang iyong siko para hindi mo maigalaw ang iyong kamay o buong braso.
3--Ipahinga mo ang iyong isipan. Tumingin ka sa pendulum. Utusan mo ito sa isip lang. Itanong mo: Paano ka gagalaw kung sagot mo sa akin ay YES. Hintaying gumalaw nang kusa ang pendulum. Ang maaari nitong maging galaw ay alinman sa mga sumusunod: HORIZONTAL, VERTICAl. PAIKOT PAKALIWA, PAIKOT PAKANAN.
4--Ulitin mo ng tatlong beses ang tanong na “ano ang magiging galaw niya kung YES ang kanyang answer sa iyong magiging katanunganâ€. Paulit-ulit ang tanong upang ma-establish mo ang magiging galaw ng iyong pendulum. Itutuloy
- Latest