‘Butas na lupa’ (15)
PATI mga imbestigador mula sa bayan ay natataranta sa bilis ng mga kababalaghan. Maging sina Jake at Monica ay hindi malaman ang gagawin.
Pinakahuling kababalaghang nakaugnay sa sinkhole ang paglabas ng batang babae—si Neneng-- sa butas na lupa.
Buhay si Neneng pero halatang na-traumatize, hindi masagot ang mga tanong; laluna kung paano ito nakaakyat sa napakadulas na loob ng sinkhole.
Nagtatanong ang mga imbestigador. “Iha, walang dudang buhay ka, hindi ka zombie. Ang tanong e paano ka nabuhay? Super-lalim ang butas!â€
Umiling si Neneng, litung-lito.
Napatitig ito kay Monica na katabi lamang. Si Monica ay napatitig din sa batang babae. Mata sa mata.
Napaigtad ang dalagang photo-journalist. “Oh my God!†“Bakit?†bulong-tanong ni Jake. “What’s wrong, Monica?†“Jake, t-tara do’n, may sasabihin ako.â€
Pasimpleng lumayo sa umpukan ang dalawa.
“Ano ba ang nangyari?†ulit ni Jake. “Bakit natakot ka yata sa bata?â€
Nanginginig si Monica. “Jake, nakita ko sa mga mata ni Neneng ang... ang—â€
“Ang ano, Monica? Say it, ano ang nakita mo?â€
“Her eyes...naroon ang image ng...kakaibang nilalang...â€
Kinabahan si Jake. “What? Anong klaseng nilalang?â€
“Bilog ang ulo, luwa ang mga mata, may an- tenna sa noo na pareho ng sa susong Hapon!â€
“Parang sa J-Japanese snails...? ‘Yung gumaga- pang sa ricefields kapag planting season?â€
Tumango ang dalaga. “A-ano ang ibig sabihin
“Nakakalito, Monica, sabi mo’y nakita mo ang anyo ng kakaibang nilalang habang nagtititigan kayo...â€
“Oo, nagkatitigan kami, Jake!â€
Napalunok ang binata. “Di ba ang image na posibleng makita sa mata ng tinititigan ay ang... image ng kaharap? In this case, lumalabas na ang nakita mo ay ang...image mo, Monica...â€
Nanggigil sa galit ang dalaga.
“Iniisip mong ako ang mukhang susong Hapon? How dare you, Jake! Tao akong normal!â€
(ITUTULOY)
- Latest