‘Butas na lupa’ (14)
PATULOY sa pag-ahon sa butas na lupa ang batang babae. Humigit-kumulang ito sa onse anyos, hapis ang mukha, halatang nagdanas ng matinÂding hirap sa pinanggalingan.
Dinaluhan agad ito ng mga nakaligtas, naiahon na.
Hindi nila namumukhaan ang batang babae.
“Kanino ka bang anak?â€
“Nanggaling ka ba talaga sa ilalim ng butas…?â€
Sunod-sunod ang mga tanong. Sina Jake at Monica ay hindi makapaniwala na may nabuhay mula sa sinkhole.
Ang bata ay walang imik, tila wala sa sarili.
“Anak ko! Neneng! Panginoong Diyos, buhay ka, anak kooo!†Nakilala agad ito ng ina, patakbong niyakap ang anak.
Nakayakap sa ina si Neneng. Pero parang kulang ang damdamin nito. Hindi pa rin makapagsalita.
“Ineng, naroon din ang iba pa nating kabarangay, di ba?†tanong ng lalaking nawalan ng limang kaanak. “Nakita mo ba ang pamilya ko? Buhay din sila, di ba?â€
Parang walang narinig si Neneng; tila naubusan na ng lakas sumagot.
“Monica, tingin ko’y na-trauma ang bata,†bulong ni Jake sa nobya.
“Sino ba ang hindi mato-trauma sa mga nangyari, Jake? Himalang nakaligtas ang batang ‘yan!â€
Ang tatlong imbestigador ay nag-concentrate sa butas na lupa. Sindido ang mga flashlights na tinanglawan nila ang napakadilim na butas.
“Hindi natin maabot ng liwanag ang dulo! Napakalalim nga nito!â€
Ang higit na ipinagtataka ng lahat, paanong nakaakyat ang batang babae sa napakadulas na loob ng butas?
Nakiusyoso ang magkasintahan. Sinuri ni Monica ang palad ni Neneng, pati paa nitong walang sapin.
“Jake, kakaiba ang hilatsa ng kamay at paa niya. Ang talampakan at ang palad niya’y parang sa ahas!â€
“Neneng, anak, ewan bakit nagkaganyan ang kamay at paa mo—pero nagamit mo sila sa pagliligtas sa sarili mo!â€
Nag-o-observe lamang sina Jake at Monica. Wala silang masabi sa sunud-sunod na kababalaghan. (ITUTULOY)
- Latest