Level ng Alcohol sa Iyong Katawan
Last Part
Anu-ano ang senyales at sintomas ng mga taong na lason sa sobrang pa-inom?
Kahit ang isang tao ay huminto na sa pag-inom ng alak, ang kanyang BAC ay patuloy na tumataas ng trenta hanggang kuwarenta bawat minuto, na magreresulta sa pagtindi ng sintomas kapag ang isang tao nakainom na ng marami higit sa normal nitong dapat inumin.
Narito ang ilan sa mga sintomas at senyales na may pagkalasong nagaganap sa isang taong nasobrahan sa pag-inom.
Pagkalito Confusion
Hypothermia (pagbaba ng temperature ng katawan ng tao)
Pamumutla ng balat, minsan nangangasul ang kulay
Hindi tumutugon sa anumang sinasabi pero may malay-tao
Hinimatay
Hindi normal na paghinga
Mabagal na paghinga
Pagsusuka
Sa seryosong kaso nito ang paghinga ay maaring huminto, ang atake sa puso ay maaring mangyari, maaari ring mabulunan sa sarile nitong suka at maaring masinghot nito patungo sa baga na magreresulta sa panganib sa buhay ng taong nasobrahan at nalason sa alak. Ang pagbaba rin ng temperature ng katawan dulot ng sobrang pag-inom ay mapanganib din sa buhay ng tao. Ang taong nawalan ng fluids sa katawan (severe dehydration) ay maaaring mapinsala ang utak. Kapag ang blood glucose ay bumaba sa normal nitong libel ay maaaring magkombulsyon. Kapag ang pagkalason sa alak ay malala maaaring humantong sa coma at maging sa kamatayan nito.
Mga paunang lunas sa mga taong nalason sa alak dulot ng sobrang pag-inom
Panatilihing gising
Panatilihing nakaupo at huwag pahigain
Kung may pagkakataon painumin ng tubig
Kapag ang tao ay walang malay iposisyon sa recovery position at alamin kung siya ay humuÂhinga pa
Huwag painomin ng kape dahil ito ay maaring magpalala
Huwag nang bigyan o painumin pa ng alak
Paglakad-lakarin muna
- Latest