Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang mga batang may edad na anim na taon pababa ay tumatawa ng 300 beses kada araw? Habang ang mga matatanda ay 15 hanggang 100 beses na lang isang araw. Nakakababa din ng stress hormones na tinatawag na “cortisol†ang pagtawa at pinatataas naman ang good hormone na endorphin. Ang kemikal na tinatawag na n-acetyl-cysteine na matatagpuan sa hilaw na itlog ay mabisang pang-alis ng hang over. Nadiskubre ang kauna-unahang gamot sa puso sa isang English garden. Ang unang gamot laban sa sakit na malaria ay nadiskubre mula sa balat ng Andean cinchona tree. Kinikilalang pinakamapanganib na insekto ang lamok sa buong mundo dahil pumapatay ito ng 3,000 tao kada araw dahil sa sakit na malaria na dala nito.
- Latest