‘Butas na lupa’ (12)
ANG napansin agad ng mga survivors, kabilang sina Jake at Monica, gayung winasak ng malalaking alon ang mga bahay at maraming tao ang inanod, wala naman silang makitang bangkay sa paligid.
May ilang hayop na nasawi—aso, pusa, baboy—pero wala kahit isang patay na tao.
Kaydaming nawawala, alam ng mga survivors na tinangay ng ragasa ng tubig; bakit naglahong parang bula?
Tama ba ang hinala nilang ang mga inanod na tao ay na-shoot lahat sa butas na lupa?
Dito nga ba dinala ng biglaang tsunami ang mga biktima?
Nag-uumpukan ang mga nakaligtas, umiiyak ang mga nawalan ng tahaÂnan at mga kapamilya.
â€Basta ho alam kong tinangay ng malakas na agos sina Tatang at Nanang!†giit ng dalaga.
Isang nanay ang mabaliw-baliw. “Si Nene ang hindi ko nailigtas…naunahan ako ng takot…naiwan ko siya…hu-hu-hu-huuu.â€
“Hindi ho tayo namalikmata, mga kabayan…kitang-kita ho naming dalawa na sa sinkhole nga tumuloy ang lahat ng inanod na tao,†seryosong pahayag ni Jake.
“Nasa itaas ho kami ng puno kaya tanaw na tanaw namin ang naganap! Talagang nahulog sa butas na lupa ang mga tinangay ng agos!†pagkumpirma ni Monica.
Namayani ang galit ng mga survivors, inalis ang takot sa sinkhole o butas na lupa.
Pinaligiran nila ito, tinanaw ang napakadilim-napakalalim na hukay.
Nanawagan sila sa mga nawawala. “Celia, mga anak ko, nandiyan ba kayo? Magsisigaw kayo! Hindi ko matatanggap na patay na kayooo!â€
“Nene, anak! Sumigaw ka! Narito lang ang nanay!â€
“Tatang! Nanang! Huwag ho kayong mamamatay diyan! Iaahon namin kayo! Huhuhu-huuu!â€
Iiling-iling sina Monica at Jake. Hinayang na hinayang na ang kababalaghang nagaganap sa isla ay hindi nakakarating sa media.
Hanggang sa mga sandaling iyon na payapa na ang panahon, nanatiling walang signal sa cellphone.
Hindi makaalis sa isla sina Jake, ang lahat ng bangkang pangisda at pantawid sa dagat ay nawasak ng biglaang tsunami. (ITUTULOY)
- Latest