‘Sexting’
Ayon sa Wikipedia.com, ang sexting ay ang pakikipag-text ng mga sexual na bagay o pagpapadala ng mga sexual pictures.
Ang salitang sexting ay sumikat sa kaagahan ng 21st century, at ang salitang ito ay ang pinagsamang sex at texting. Kaya kung paiiksiin ito ay ‘sext.’Noong August 2012, ang salitang sexting ay isinama sa listahan ng Merriam-Webster’s Collegiate Dictionary. Ayon sa Cosmopolitan.com, kapag nakikipag-sext, dapat ay maging totoo ka. Puwedeng maging imaginative pero huwag mag-sext ng hindi mo kayang gawin. Ikonsidera din ang mga dapat ilagay sa pagsusulat ng pormal na panguÂngusap tulad ng tuldok, punctuation mark at iba pa. Bantayan din ang haba ng text. Putulin na ang sext kung masyado ng mahaba. Makakatulong ang paggamit ng ‘erotic grammar’ ngunit mas maganda kung gagamitin ang iyong sariling pananalita dahil mas magiging epektibo at makatotohanan ito dahil ito ay galing mismo sa iyo. May tip din ang askmen.com sa sexting.
Kapag nakikipag-sext, huwag magmakaawa o mamilit dahil nakaka-turn-off ito. Kung ayaw sabihin ng ka-sext ang gusto mong sabihin niya, huwag ipilit. Kung ayaw niyang magpadala ng picture, huwag mamilit.
Kapag magpapadala ng photo, huwag ipakita ang mukha para manatili ang excitement. Kapag ipinakita mo na ang iyong mukha, nakita na niyang lahat at wala nang kasasabikan ang ka-sext.
Ang mga simpleng messages ay mas nakaka-excite at sa mga larawan, mas epektibo ang snap shot lang ng isang bahagi ng katawan ang kukunan ng picture para ipadala nang sa gayon mas lalong manabik ang ka-sext. Huwag makipag-sext kung wala ka pang karanasan sa sex.
Huwag sabihin lahat sa sext. Lagyan ng kaunÂting pambibitin pero huwag masyado. Huwag mag-sext ng mga bagay na hindi mo sinasabi ng harapan sa kausap mo ng harapan. Ang pakikipag-sext ay exciting. Ginagamit ito ng mga couples bilang isang form ng ‘foreplay.’Kung ang ka-sext ay ang iyong karelasyon, siguraduhing hindi kayo lumalampas sa inyong mga bounderies.
- Latest