‘Butas na lupa’ (3)
DALAWANG photo-journalist na taga-lunsod ang mag-uusyoso sa napabalitang butas na lupa, sa Barangay Antukin.
Dumaong sa isla ang bangkang sinasakyan ng mga ito.
“Jake, bakit kaya kinakabahan ako?â€
“Relax, Monica…ordinaryong isla lang ito ng mga mangingisda at magsasaka. Baka nga kuwentong barbero lang ang sinkhole…â€
“Huwag naman sana. Sayang ang time and effort natin, Jake.â€
Umaga nang sila ay dumating sa Barangay Antukin ng isla. Fishing village ito na tabing-dagat.
Nagtanung-tanong agad ang magkasintahan.
“Nasaan ho ba rito ‘yung sinkhole?â€
Napatingin kay Jake ang napagtanungang ale, halatang natigilan.
Mayamaya’y nakabawi ito. “Teka lang, ha, mister en miss. Meron ditong nakakaalam sa mga ganyan. Hayun, nakatambay sa tindahan.†â€
Bago pa nakaimik sina Jake at Monica ay mabilis nang kinausap ng ale ang tao. “Teboy, mga taga-siyudad, merong itinatanong na Ingles.â€
“Ako’ng bahala, Mameng, palapitin mo sa’kin.â€
Lumapit naman agad sina Jake at MoniÂca. Sinabi ni Jake ang sadya. “Bosing, nasaan ho ba rito ‘yung sinkhole?â€
“Sinkhole?†Saglit na nag-isip si Teboy.
Mayamaya’y sumagot na. “Tiyak na si Orlandong babaero ang hanap ninyo! ‘Yun lang naman dito ang kinasusuklaman ng mga babae, laluna mga dalagang nakapag-aral! Si Orlando daw e sinkhole!â€
Nagkatinginan ang magkasintahan, naunawaang iba ang nasa isip ng napagtanungan.
Ibinulong ni Jake. “Bosing…sinkhole ho, hindi asshole.â€
“Ayy, nalintek! Na-confuse lang ako, mga ‘igan! Akala ko talaga’y asshole!†bawi agad ni Teboy, hiyang-hiya.
“Kuwan po, sa Tagalog ang sinkhole ay…malaking butas sa lupa…â€
“Malaking butas…? Alam ko na—‘yung kumain ng bahay nina Porong at Pining!â€
Sinamahan sila ni Teboy sa lugar ng mga mangingisda. Natanaw agad nina Jake at Monica ang malaking butas sa lupa.
Parang malaking hukay iyon na nakabuÂyangyang, walang takip, napakadilim, halatang napakalalim. (ITUTULOY)
- Latest