Takot sa magulang ang nobyo?...
Dear Vanezza,
Ako si Jaymee, 21, isang call center agent. Gusto ko pong ihingi ng payo ang tungkol sa aÂking bf. Nobyo ko na siya since we were in 4th year high school. Marami nga ang humahanga sa amin dahil tumagal kami ng ganoon. Ang problema ko ay tutol ang mga magulang niya sa akin. Mayaman kasi sila at kami’y mahirap lang. Ang sabi ng bf ko ay huwag akong mag-aalala. Hindi raw siya padidikta sa kanyang mga magulang. May banta ang kanyang magulang na itatakwil siya kapag pinakasalan ako. Niyayaya ko siyang magpakasal na kami tutal pareho kaming nasa edad na pero sabi niya wait pa kami ng ilang panahon. Tingin ko’y natatakot din siya sa banta ng kanyang parents. Ano ang gagawin ko?
Dear Jaymee,
Pagbigyan mo siya tutal bata pa naman kayo. Posible ang iniisip mo na takot siyang itakwil ng magulang at mawalan ng mana. Pero kung mahal ka n’ya talaga ay hindi niya pahahalagahan ang pagtatakwil sa kanya ng magulang. Bigyan mo siya ng sapat na panahon dahil after all, matagal-tagal din ang pinagsamahan ninyo bilang magkatipan. Kumbinsihin mo siya na kahit mawalan siya ng mana, puwede kayong magtulong para magkaroon ng magandang future. Habang naghihintay kayo ng right timing, mag-isip kayo ng business venture. Pagtulungan ninyo at nang sa gayon ay maipakita ninyo sa kanyang magulang na kaya niyo ring umunlad ang kabuhayan para sa kinabukasan ng pamilÂyang inyong itatatag.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest