Bakit kailangang gumamit ng condom
Matapos nating talakayin ang iba’t ibang klase ng condoms, talakayin natin ngayon ang mga advantage at disadvantage ng paggamit ng condom. Ginagamit ang condom dahil sa mga sumusunod:
• Naiiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis.
• Proteksiyon sa nakakahawang Sexually Transmitted Infections (STI) tulad ng HIV.
• Mas mura ang condom at madaling bilhin.
• Madaling gamitin.
• Maraming pagpipiliang kulay, size, texture, flavor at iba pa.
Kung may allergy sa latex, may magagamit na polyurethane condoms.
• Hindi ito nakakaapekto sa menstrual cycle, mood o sa timbang di tulad sa hormonal birth control.
• Mas nakakatulong para makatagal ang mga lalaki.
• Nakokolekta ang semen imbes na ‘kumakalat’ o natatapon.
Ngunit mayroon ding disadvantage ang paggamit ng condom:
• Maaring masira ang mood o maputol ang ‘excitement sa pagsusuot ng condom.
• Nababawasan ang sensitivity.
• May mga babaeng may allergy sa condom na kadalasan ay gawa sa latex.
• May mga condom na may spermicide na maaaÂring makairita sa partner
• Maaaring mapunit ang condom na magreresulta ng pagbubuntis.
- Latest