^

Para Malibang

Ang tubig-alat sa iyong katawan... Ang

Pang-masa

Ang mundo ay napapalibutan ng tubig, sa katunayan 71% nito ay karagatan at iba pang anyong tubig, kaya naman mabuting pagkunan ito ng oxygen, pagkain at mga sangkap sa medisina. Bukod dito, mayroong importanteng pakinabang ang dagat sa tao, maliban pa nga sa pinagkukunan ito ng kabuhayan. Anu-ano pa nga ba ang magandang pakinabang na naibibigay sa atin ng dagat bukod sa masayang pakiramdam na naidudulot ng hangin, samyo at mahinang pagdampi ng tubig nito kapag ikaw ay nasa dalampasigan? Narito ang mga benepisyong ibinibigay ng dagat sa atin:

Nakakaalis ng stress – ang simpleng pakikinig sa alon na humahampas sa dalampasigan ay tunay naman nakakaalis ng pagod at pagkabagot.  Kapag nakakarinig ka ng alon ng dagat ay hindi mo namamalayan na nakakapagmuni-muni ka sa iyong diwa. Sa totoo lang nakabubuti rin ang meditation sa iyong emosyon dahil nagreresulta ito ng positibong pakiramdam sa’yo gaya ng kasiyahan, pagkakaroon ng kapayapaan sa kalooban, maayos na konsentrasyon at nagiging malikhain ka rin. Higit sa  lahat nabibigyan ka ng pagkakataon na isipin ang kahalagahan ng buhay mo. Bukod sa emosyonal na benepisyo, ang minerals na dala ng hangin mula sa dagat ay nakakapagpababa ng stress habang pinatataas naman nito ang magandang pakiramdam. Ang asin sa tubig-dagat ay nakakapagpanatili  ng melatonin, tryptamine at serotonin level sa utak kaya nakakatulong itong labanan ang depresyon sa isip, lalo na at nasasagap ng brain wave  mo ang tunog ng alon kaya kumakalma ang iyong pakiramdam. Kapag malamig ang tubig, nagbibigay ito ng emotional health sa tao dahil sa pinakakalma nito ang mga ugat sa katawan.Kung mainit naman ang tubig sa dagat ay nire-relax nito ang muscles mo.

May minerals sa tubig-dagat – Nakakatulong ang tubig-dagat sa mga may sakit sa arthritis, psoriasis at depresyon, maging sa mga sakit sa balat gaya ng rosaeca, eczema, allergies at rashes ay nakakatulong ang tubig-alat. Nagtataglay kasi ito ng iodine na nagpapalakas sa thyroid at kapag malakas ang iyong thyroid  ay tiyak na malakas rin ang iyong immune system.

ANU

BUKOD

DAGAT

HIGIT

KAPAG

NAGTATAGLAY

NAKAKAALIS

NAKAKATULONG

NARITO

TUBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with