May osteoporosis ka ba? (2)
9) May mahihinang resistensya at kulang sa sustansiya
10) Makakaranas ng malabsorption;
11) Kababaihang may mababang antas ng estrogen at kalalakihang mababa ang antas ng testosterone;
12) Sumasailalim sa chemotherapy
13) Kabataang babae na nakakaranas ng pagkawala ng regla
14) Nakakaranas ng labis at madalas na pamamaga
15) Nakakaranas ng hyperthyroidism at hyperparathyroidism indibidwal na kulang sa bitamina D ang katawan
16) At mga gumagamit ng mga gamot na katulad ng phenytoin, heparin, at prednisone.
Sa simula ay walang ipakitang sintomas ang osteoporosis at isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi agad nasusuri ang taong may sakit nito at nalalaman na lamang ang kanyang kondisyon sa oras na nabali na ang buto.
Kadalasan, ang karaniwang x-ray ang nagpapakita ng osteoporosis sa buto dahil lumalabas itong mas manipis at mas magaan kumpara sa iba. Sa kasamaang palad, halos 30% na ng buto ang nawala kapag ito ay nadidiskubre sa pamamagitan ng ordinaryong x-ray. Isa sa mga iminumungkahi ng mga doktor ay ang paggamit ng dual energy x-ray absorptiometry (DXA o DEXA) upang malaman ng mas maaga ang osteoporosis. Kayang sukatin ng DXA ang kapal ng mga buto sa balakang at gulugod. Aabutin ng 5 hanggang 15 minuto ang pagsusuri gamit ang mas mahinang radiation kung ikukumpara sa ordinaryong X-ray. Ang kapal ng buto ng pasyente ay ikukumpara sa tinatwag na T-score. Kapag ang score ay -2.5 o mas mababa pa, positibo ito sa osteoporosis. Kung ang T-score naman ay nasa pagitan ng -1.0 hanggang -2.5, ang pasyente ay mayroong osteopenia.
- Latest